‘Laos na si Chito Miranda para bayaran ng P2 million!’
PINAGPISTAHAN sa social media ang pronouncement recently ni Parokya Ni Edgar vocalist Chito Miranda na may isang presidentiable na gusto siyang ikomisyon to tweet beautiful things about him kapalit ng P2 million bilang bayad.
He declined daw the offer because his integrity is not worth the price. Intact daw ang prinsipyo niya sa pagpili ng iboboto niyang pangulo. Sinabi pa niya na meron siyang affiliation with either Sen. Miriam Santiago ang VP Jojo Binay who are also both running for the said position.
Marami tuloy ang nagtatanong kung sino yung tinutukoy ni Chito na presidentiable? “Nabasa ko sa FB account niya last week that it was the camp of Sec. Mar Roxas ang nag-offer sa kaniya.
Pero nu’ng binuksan ko ulit ang site niya last Saturday, burado na. Ang tanong ko lang, kung talagang may paninindigan siya, tutal binuko na rin lang niya ang kuwento tungkol sa alok sa kaniya, sana matapang niyang pinabayaan iyon sa kaniyang post.
“Ano siya? Nagpapataas-presyo lang? Ang taong may prinsipyo ay merong paninindigan. Dapat hindi niya binura at matapang niyang hinarap, di ba?” sabi ng isang writer/friend na nakabasa diumano ng unang post na iyon ni Chito na biglang nawala raw sa FB niya.
Marami ang nag-react sa post niyang iyon. May nagduda tuloy na baka hindi ito totoo – kung meron man, he’s not worth P2 million daw. Baka P200,000 lang daw but not P2 million.
Hindi na naman daw sikat si Chito plus the fact na nasuong siya sa isang malaking sex scandal a few months ago kaya what integrity raw is he talking about? Talagang kinukuwestiyon ng marami ang “integridad” ni Chito sa social media.
Nagha-hallucinate na raw ba ang Parokya Ni Edgar star na ito? “Laos na siya para bayaran ng ganoon kalaking halaga, ‘no! We are aware na meron talagang mga pulitiko na gustong gamitin ang mga sikat na perso-nalities and willing magbayad ma-promote lang sila sa social media.
Meron akong mga kakilalang ganyan pero dapat sana ay hindi na ibinulgar ni Chito. Paano na yung totoong gustong sumuporta sa isang kandidato for free dahil naniniwala sila sa kakayahan at integridad ng napupusuang kandidato?
“Baka isipin ng ibang binayaran din sila. Eh ganoon talaga sa pulitika, kaniya-kaniya sila ng eksena at pamamaraan para makakalap ng following. Lalo na sa presidency.
Ngayon, handa na ba si Chito to speak out na si Mar Roxas nga ang tinutukoy niyang presidentiable?” paghamon ng writer/friend namin.
Ready ka na ba Chito to face this? Prove them all that you are truly principled!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.