NAIPAKITA ni Everly Janarie Macalalad ang itinatagong galing nang pagharian ang kanyang age group sa 8th Anvaya Cove Beach & Nature Club (ACBNC) SuperTriKids noong Sabado sa Morong, Bataan.
Sa 11-12 age category na pinaglabanan sa 300m swim, 4-km bike at 2-km run distansya sumali si Macalalad at nailabas niya ang magandang kondisyon para maisumite ang pinakamatuling oras na 19 minuto at 4 segundo.
Ang oras na ito ay mas mabilis pa sa naitala ng boy’s champion na si Clifford Pusing sa 20:31 para makabawi si Macalalad mula sa pangatlong puwesto na pagtatapos noong nakaraang taon.
“Talaga pong nag-prepare ako this time dahil gusto ko pong bumawi,” wika ng 12-anyos na si Macalalad na nais ding tularan ang nakatatandang kapatid na si Edward Jared Macalalad na kasapi ng national junior team.
Ang iba pang kategorya na pinaglabanan sa STK sa palarong suportado ng Ayala Premier, Globe Business, Standard Insurance, Gatorade at Philippine Olympic Committee (POC) ay sa 9-10 division sa distansyang 200m swim, 2k bike at 1k run at ang nagkampeon ay sina Mark Grist (11:11) at Ariel Feuermann (13:29).
May aquathlon event din para sa Under-8 (25m swim, 200m run) at nanguna rito sina Sebastian Thomas Tunayan (1:48) at Ma. Sabino Magsanoc (1:36).
Ang mga elite triathletes na dapat ay nagtuos kahapon sa 1.5k swim, 40k bike at 10k run ay hindi nangyari pero sila ay nagkasukatan lamang sa run dahil malakas ang alon at madulas ang kalsadang gagamitin sa bike bunga ng malakas na ulan at hangin dala ng bagyong Lando.
“Puno pa rin ng enerhiya ang nagsisali dahil todo-bigay pa rin sila at na-eengganyo ng pagsuporta mula sa mga kasamang pamilya bukod sa mga empleyado ng first-class na ACBNC at mga Aetas na kinuha bilang mga volunteers sa finish line,” wika ni ACBNC general manager Jovie Reyes.
“We’re very happy with how how the races went because we were thinking that the two-day event will be canceled because of the typhoon. But God’s will, we had a good weather last Saturday and although we were not able to hold the elite race today, we still managed to find a way for the participants to compete because of their support and the good partnership between ACBNC and Triathlon Association of the Philippines (TRAP),” dagdag pa ni Reyes.
Kasama sa mga tumakbo ay ang mga kasapi ng national team na sina Southeast Asian Games veteran Jonard Saim, John Chicano, Deo Timbol at Macalalad na pinaghahandaan ang Hong Kong Asia Cup sa Oktubre 31.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.