Chito umayaw sa P2-M offer ng presidentiable | Bandera

Chito umayaw sa P2-M offer ng presidentiable

Ervin Santiago - October 16, 2015 - 03:00 AM

CHITO MIRANDA AT MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

CHITO MIRANDA AT MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

BUONG-TAPANG na ibinandera ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na tinanggihan daw niya ang P2 million na offer ng isang presidential candidate.

Simpleng-simple lang ang pakiusap ng kampo ng nasabing kandidato – ang mag-post ng magandang mensahe sa kanyang social media accounts tungkol sa nasabing presidentiable.

Pero sabi ni Chito, hindi mahalaga sa kanya ang pera – naniniwala pa rin siya sa prinsipyo at katotohanan.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ng singer na hindi siya nagdalawang-isip na tanggihan ang napakalaking halaga kapalit ng kanyang paniniwala.

Sakaling matuloy daw ang pagtakbo ni Sen. Miriam Santiago sa pagkapangulo sa 2016, ito raw ang susuportahan niya. Gusto rin daw niyang tumakbo si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil naniniwala siya sa kakayahan nitong mamuno ng bansa.

“I was offered P2M to tweet for a presidential candidate. Di ko tinanggap kasi gusto ko suportahan si Duterte o si Miriam kahit walang bayad,” ang ipinost ni Chito Miranda sa kanyang Twitter.

Pero nilinaw nitong hindi na niya nakilala kung sino ang presidentiable na kumukuha ng serbisyo niya, “For those who are asking kung sino yung nag-offer, di ko rin alam kasi ayaw sabihin nung agency. They wanted to see muna kung game ako. Pero sabagay, ok din si Lucifer, si Inter-Galactic, or yung nagpapanggap na asawa ni Kris Aquino. Hahaha! #Halalan2016.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending