Harana Boys magpapasiklaban sa Music Museum; may hubaran
HEY, maaga pa lang ay nasa Music Museum na dapat kami mamayang gabi dahil for the first time ay magaganap ang malaking concert ng Harana Boys na binubuo nina Joseph Marco, Marlo Mortel, Bryan Santos and Michael Pangilinan. Balita ko kokonti na lang ang tickets sa show dahil grabe ang bentahan.
Kasi nga, sobrang dami ng followers ng mga boys nating ito.
“May kaniya-kaniya kaming pair dito, sa akin ang best friend kong si KZ Tandingan. Si Marlo may Janella Salvador. Si Bryan merong Tippy dos Santos and si Joseph naman ay merong Alex Gonzaga.
And sa aming apat, meron kaming special number with Morisette Amon. Riot ito tonight kasi nga pasiklaban kami. Marami kaming pasabog na gagawin at isa-isa kaming huhubaran sa stage. Joke lang!
Ha-hahaha!” ani Michael na puspusan ang pagre-rehearse ng kaniyang spot numbers.
Sooo exciting ito. Promise! Good luck, Harana Boys. Kayo na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.