Padaca kinasuhan ng Ombudsman
Sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Commission on Elections commissioner Grace Padaca kaugnay ng hindi niya paghahain ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth.
Ayon sa reklamo, malinaw na lumabag si Padaca o Maria Gracia Cielo Magno Padaca, sa Code of Conduct and Ethical Standards (RA 6713).
Hindi umano naghain si Padaca ng kanyang SALN para sa taong 2007, 2008, 2009, at 2010 kung kailan siya nakaupo bilang gubernador ng Isabela.
Sa ilalim ng RA 6713 ang lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno ay dapat na maghain ng SALN bago o sa Abril 30 ng bawat taon.
Maaaring maglagak si Padaca ng P10,000 sa bawat kaso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
“It is difficult to fathom how respondent would be unfamiliar with such a practice or that she has not altogether adopted this procedure given her lengthy stint in government service,” saad ng resolusyon.
Ayon sa Ombudsman walang inihaing SALN ang dating gubernador ayon sa rekord ng Commission on Appointments Profile and Investigation Report at Human Resource Department ng Office of the Provincial Administrator of Isabela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.