Sir Chief, Jodi papalitan sina Kris at Bistek sa MMFF entry ng Star Cinema | Bandera

Sir Chief, Jodi papalitan sina Kris at Bistek sa MMFF entry ng Star Cinema

Reggee Bonoan - October 13, 2015 - 02:00 AM

jodi sta maria

INAMIN mismo sa amin ng ilang taga-ABS-CBN na kino-konsider nila sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria bilang kapalit nina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista sa official entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Matatandaang umurong na si Kris sa pelikulang “All We Need Is Love” nila ni Bistek dahil hindi puwede ang gusto niyang cinematographer o director of photo-graphy na si Neil Daza dahil nakatali ito sa seryeng Ningning hanggang katapusan ng Nobyembre.

Pero sabi ng aming source sa ABS-CBN, “Still checking the availability of Richard and Jodi kasi they’re both busy taping their series, so hindi pa sure.”

Abala ang aktres sa seryeng Pangako Sa ‘Yo na tatagal pa hanggang 2016 at si Richard naman ay kasali sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na tatagal hanggang Disyembre.

Tinanong naman kami ng aming kausap, “Ano sa tingin mo, mainit pa ba ang tambalan nina Richard and Jodi?” Diretso namin siyang sinagot ng, “Mas mainit kung sina Jodi at Ian Veneracion dahil sila ang loveteam ngayon sa PSY at maraming kinikilig sa kanila ngayon.

Yung Richard as Ser Chief and Jodi as Maya ay lipas na.” Um-agree naman sa amin ang source, “Pero baka naman puwede pa,” hirit niya sa amin.

Well, bakit hindi, pwedeng subukan uli ang tambalang Ser Chief at Maya, depende naman ‘yan sa material, di ba bossing Ervin?

Teka, sabi ni Kim Chiu, this week ang announcement ng Star Cinema boss na si Ms. Malou Santos kung tuloy pa rin o hindi na ang “All We Need Is Love” sa MMFF 2015.

Kung matatandaan, naglabas ng kanyang saloobin si Kris sa pamamagitan ng kanyang Instagram account sa pag-atras niya sa MMFF entry ng Star Cinema.

Sinabi niya rito ang iba pang mga rason kung bakit siya nag-quit sa proyekto. Humingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng boss niya sa ABS-CBN at Star Cinema sa stress na ibinibigay niya sa mga ito nang dahil sa kanyang naging desisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending