Manoy nakapili na ng pangulo para sa eleksiyon 2016
May napili nang presidentiable si Eddie Garcia na tatakbo sa darating na 2016 elections. Ngunit hindi pa raw niya ito papangalanan. Ito rin daw ang ieendorso at ikakampanya niyang kandidato pag nagsimula na ang kampanya.
Sa pocket presscon ng bagong GMA series na Little Mommy kung saan muli niyang makakatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor, sinabi rin ni Manoy na wala siyang kabalak-balak sumabak sa politika.
Alam daw niyang hindi siya para rito kaya kahit maraming kumukumbinsi sa kanya na tumakbo ay hindi niya ito pinagbibigyan.
Samantala, tuwang-tuwa si Manoy na muli silang magkakasama sa isang malaking proyekto ni Ate Guy, halos dalawang dekada raw silang hindi nagkatrabaho, “Aba, it’s a pleasant reunion dahil ang huli naming ginawa ay ang May Bukas Pa Ang Kahapon noong 1996.”
Sey ni Nora, si Eddie lang ang nagpapanginig sa kanya kapag magkaeksena na sila, sagot naman ni Manoy, “Hindi naman, hindi naman.”
Tanong uli kay Manoy ng press, kumusta bang katrabaho si Ate Guy? “Kamukha lang ng ibang artista. Nothing highfalutin’ about it.”
Nasabi rin sa award-winning veteran actor ang papuri ng co-star nila sa Little Mommy na si Gladys Reyes, lalo na ang laging pagdating nito ng maaga sa set, “Oo, dahil gusto ko matapos kaagad.
Ang motto ko kasi, ‘Do what you could do today, so that you could do something else tomorrow.’”
Ano naman ang maipapayo niya sa mga kabataang artista para magkaroon din ng staying power sa showbiz tulad niya? “Be professional.
Don’t give anybody on the set, the cast, the crew, the producers, headaches. Be on time and whatever role is offered, paghusayin mo because that will be the next recommendation for the next project.”
Magsisimula ang Little Mommy sa Nobyembre, kasama rin dito sina Kris Bernal, Bembol Roco, Keempee de Leon, Mark Herras, Renz Fernandez, Juancho Triviño, Hiro Peralta, at Sunshine Dizon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.