Michael maswerteng napili ng Star Cinema para kantahin ang theme song ng Liza-Enrique movie | Bandera

Michael maswerteng napili ng Star Cinema para kantahin ang theme song ng Liza-Enrique movie

Jobert Sucaldito - October 11, 2015 - 02:00 AM

michael pangilinan

NAKAKATUWA naman dahil sa dinami-dami ng mga singers sa bansang ito ay napusuan ng Star Cinema na kunin si Michael Pangilinan to sing “It Might Be You”, ang official theme song ng pelikulang “Everyday I Love You” na pagsasamahan ng super-sikat na love team nina Liza Soberano and Enrique Gil.

Ang ganda-ganda ng version ni Michael ng song supervised by dear friend Jonathan Manalo – may puso kasi. Iyon kasi ang concept ng song – kailangang galing sa puso ‘yung song. ‘Yung may iyak factor kumbaga.

“And in fairness kay Michael, kayang-kaya niya. ‘Yung gusto naming tunog ay na-achieve niya effortlessly,” ani kaibigang Jonathan Manalo. “Nakaka-flatter lang dahil sa akin ipinagkatiwala ng Star Cinema ang theme song ng movie na ito.

I am just so proud to be part of this project. Engaged na engaged ako sa song – kasi nga ang ganda ng lyrics at melody. Hindi ko akalaing maitatawid ko nang maayos ang song according to what the production wants.

Thanks talaga sa Star Cinema sa tiwalang ibinigay nila sa akin,” ani Michael na kagagaling lang sa Cauayan, Isabela the other day as guest sa kanilang 275th founding anniversary sa pamumuno ni Gov. Bojie Dy.

Speaking of Michael Pangilinan, he’s really busy these days doing his performances sa weekend habit nating Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN. Bukas ng alas-7 ng gabi ay meron silang gagawing free show ni Morisette Amon sa Legazpi Park (Legazpi Village, Makati City) sponsored by Barangay San Lorenzo under Capt. Ernie Moya.

“One hour naming pasasayahin ang mga kaibigan natin diyan sa Legazpi Park. Marami kaming inihandang songs ni Morisette – may mga duets din kami at humanda rin ang ilang mga kababayan natin diyan dahil iikutan namin sila para pakantahin.

Ha-hahaha! It would surely be fun,” ani Michael. Aside from that, gagawaran ng city government ng Bulacan si Michael sa Wednesday, Oct. 14, 2015, ng isang parangal bilang natatanging kabataan for the arts. Ito ay ibinibigay lamang sa mga Bulakenyo who excel in different fields and Michael was specially chosen dahil he represents the youth in this field. “Laking-Bulacan po ako.

Nag-aral ako doon during my younger years. Sarap ng feeling na tatanggap ka ng award sa bayang iyong kinalakihan. My mom is originally from Pulilan. Then napatira kami sa Plaridel at iba pang parts ng Bulacan when I was a kid.

Hanggang sa lumipat na kami ng Quezon City dala ng kabuhayan ng parents namin. I will be there sa Wednesday at nanamnamin ko ang parangal na ipagkakaloob nila sa akin. Maraming salamat po,” ani Michael.

Sobrang busy these days si Michael lalo na sa rehearsals ng nalalapit na concert ng kanilang grupong Harana na gaganapin sa Music Museum come Oct. 16. Kasama ni Michael sa Harana sina Bryan Santos, Marlo Mortel and Joseph Marco and ilan sa mga special guests nila ay sina KZ Tandingan, Janella Salvador, Morisette Amon, Tippy delos Santos and Alex Gonzaga. Riot ang show na ito.

As in. Dami nilang production numbers na nakakatuwa. Huwag palagpasin ito. For tickets, just get in touch with Music Museum, OK? Politics? Will he endorse a candidate? “I don’t know. Depende kung napupusuan ko talaga. ‘Yung pinaniniwalaan ko.

Pero for now, too early to tell pa. Puwede ko silang kantahan lahat sa mga sorties nila. Kunin na lang muna nila ako sa campaigns pero to endorse, hindi ko pa masasagot iyan. Pakantahin na lang nila ako kahit pa-morningan pa. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kunin na lang nila akong singer – huwag na lang endorser muna unless meron akong nakitang karapat-dapat i-endorse. First time voter kasi ako next year kaya gusto ko ring bigyan ng tamang puso ang pagboto.

Isang privilege ito na ayokong pakawalan. I will now have the chance to decide for myself – just my own na walang magtuturo sa akin. Yeheyyy!” ang tuwang-tuwang pahayag ni Michael. Tama!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending