Piolo nililigawan ng ilang politiko para tumakbo sa 2016 Elections | Bandera

Piolo nililigawan ng ilang politiko para tumakbo sa 2016 Elections

Ervin Santiago - October 07, 2015 - 02:00 AM

piolo pascual

ILANG political groups na ang nakipag-usap kay Piolo Pascual para tumakbo sa darating na 2016 elections.

Ito ang inamin ng Kapa-milya actor kahapon sa presscon ng 7th SunPIOLOgy Run na taun-taong sinusuportahan ni Piolo at ng Sun Life-Philippines, pati na rin ng iba pang celebrities na naniniwala sa adhikain ng nasabing sports/charity event.

Ayon kay Piolo, ilang grupo na ang lumapit sa kanya para sumabak na sa mundo ng politika at tumakbo nga sa darating na eleksiyon, pero aniya, lahat ito ay kanyang tinanggihan.

Sey ng aktor, wala talaga sa plano niya ang maging politiko dahil mas gusto niyang mapaunlad pa ang kanyang pagiging artista.

Ayaw na ring banggitin ni Piolo kung anu-aong political groups ang nanliligaw sa kanya para sa 2016 at kung anong posisyon sa gobyerno ang ibinibigay sa kanya.

Paliwanag pa ni PJ, marami pa siyang gustong ga-win bilang aktor kaya walang-wala pa sa isip niya ang sumabak sa magulong mundo ng politika.

Natanong si PJ tungkol sa posibleng pagpasok niya sa po-litics dahil na rin sa ilang charity events na ginagawa niya, kabilang na ang annual SunPIOLOgy Run na nasa ikapitong taon na ngayon.

Ang proceeds kasi ng sports event na ito ay napupunta sa mga tinutulungang charity institutions ni PJ, partikular na sa mga kabataang scholar na tinutustusan ng award-winning actor.

Sabi nga ni Sun Life Philippines President and CEO Riza Mantaring, “For this year, we will raise funds for both health and education, two advocacies that have always been very close to our values as a company.”

Samantala, natanong din si Piolo kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni Megastar Sharon Cuneta na pinagsisisihan nito ang kanyang mga nasabi noon laban sa kanya matapos silang maghiwalay ni KC Concepcion.

Maayos na muli ang relasyon ng dating magdyowa at magkaibigan na uli ang dalawa matapos ang kanilang controversial break-up a few years back.

Sey ni Piolo, naiintindihan niya ang naging komento noon ni Mega laban sa kanya dahil isa itong ina. Nag-apologize din ang Kapamilya leading man kung nasaktan niya ang damdamin ng TV host-actress, pati na rin sa pamilya nito.

Nang matanong naman tungkol sa lovelife, sinabi ng aktor na talagang wala pang dumarating na bagong babae sa buhay niya. Hindi rin daw totoo na umiiwas siya sa lieftime commitment ng kasal.

“I‘m not running away from it. I‘m actually looking for it,” ang sagot ni Piolo kung bakit tila iniiwasan niya ang issue ng marriage.

Dagdag pa ng binata, mas naging busy siya ngayong taon sa kanyang career at sa iba pang commitments niya sa showbiz kaya siguro hindi niya masyadong napagtutuunan ang usaping pag-ibig.

Samantala, isang star studded fun run ang muling pamumunuan ng Sun Life Financial sa darating na Nov. 28 sa McKinley West, Fort Bonifacio.

Ito’y pangungunahan nga ng Sun Life Ambassador at Hebreo Foundation founder na si Piolo, kasama ang iba pang Star Magic artists. Ang SunPIOLOgy Run 2015 ay binigyan ng temang “Kick Diabetes” upang labanan ang pagdami ng mga Pilipinong dumaranas ng sakit na diabetes.

Ayon kay Piolo, umaasa siyang magiging mas matagumpay ang gaganaping SunPIOLOgy ngayong taon, “Kapag tagumpay ang run, mas maraming scholars ang makakapag-patuloy ng kanilang pag-aaral at makakatulong pa tayo upang mapigilan ang paglaganap ng diabetes.

So guys, lets run together in the name of the name of a healthier and diabetes free Philippines.”
Noong unang inilunsad ang SunPIOLOgy campaign ay nakasama ni Piolo ang ilang sikat na mga Kapamilya stars tulad nina Matteo Guidicelli, Paulo Avelino, Kim Chiu, Xian Lim, Liza Soberano, Enrique Gil at marami pang iba.

Nga-yong taon, ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz na tatakbo kontra diabetes ay sina Enchong Dee, Rayver Cruz, Diego Loyzaga, Ejay Falcon, JC de Vera at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lahat ng proceeds ay mapupunta sa beneficiaries katulad ng Institute for Studies on Diabetes Foundation, Inc., Lingkod Kapamilya at Hebreo Foundation.

Ang online registration ay simula na sa Oct. 12, mag-log on lang kayo sa www.sunpiology.com. Sa Oct. 19 naman ang in-store registration sa outlets ng Toby’s sa SM Mall of Asia at Robinsons Galleria.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending