Bong Revilla hindi susuko sa laban:  Basta hawak lang, walang bitiwan! | Bandera

Bong Revilla hindi susuko sa laban:  Basta hawak lang, walang bitiwan!

Cristy Fermin - October 06, 2015 - 03:00 AM

BONG AT JOLO REVILLA

BONG AT JOLO REVILLA

HINDI  na muna pinapunta nina Senador Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado sa PNP Custodial Center si Vice-Governor Jolo Revilla nu’ng Linggo. Maysakit ang batambatang aktor-pulitiko.

‘Yun ang araw ng pagba-bonding ng buong pa-milya, lahat ng kanilang mga anak at apo ay nasa Camp Crame para makasama ang nakapiit na senador, sinisimulan nila ang araw sa pamamagitan ng isang worship.

Pagkatapos ng gawain ay kumakain sila nang sabay-sabay, natutuhan nang ituring ng magkakapatid na parang bahay na rin nila ang piitan ng kanilang ama, pinakamahirap naman ang pagpapaalaman kapag tapos na ang oras ng pagdalaw.

“Maysakit si Jolo, masakit na masakit ang lalamunan niya, mataas ang lagnat,” sabi sa amin ni Congresswoman Lani. “Baka makapanghawa pa kasi siya dito, kaya sabi ko, sa susu-nod na lang siya pumunta,” agad ding sabi ng guwapo pa ring senador.

Nandu’n naman si Gab, anak ni Vice-Governor Jolo, lumalaking guwapo ang kanyang anak na madalas ding dumalaw sa mommy nitong si Grace Adriano.

Mapayapa na ang bukas ng mukha ngayon ni Senador Bong, iba talaga kapag tanggap na ng tao ang kanyang kapalaran, pero hindi ‘yun nanga-ngahulugan na tumigil na siya sa pakikipaglaban.

Tuloy pa rin ang kanyang pagdepensa, ang pagbubuong muli sa kanyang pangalan na winasak ng pulitika, malaki ang kanyang pag-asa na isang araw ay lalabas din ang katotohanan.

“Basta hawak lang, walang bitiwan, alam kong one day, makukuha ko rin ang matagal ko nang hinihinging vindication,” pahayag ng aktor-pulitiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending