Robredo running mate na ni Roxas
Matapos ang “pabebe,” pormal ng tinanggap ni Camarines Sur Rep. Leni
Robredo ang pagiging running mate ng administration standard bearer na si
Mar Roxas sa isang pagtipon ng kahapon sa Club Filipino, San Juan.
Hindi naman inihayag ang bubuo sa senatorial line up ng LP na pinaplantsa
pa umano at ihahayag sa Biyernes.
“Ibinibigay ko po ang aking sarili nang buong-buo sa ating mga kababayan,
lalong lalo na sa inyong mga naka-tsinelas na nasa labas, nasa ibaba at
nasa laylayan ng lipunan,”ani Robredo.
Sinabi ni Robredo na “hindi naging madali ang paglalakbay naming patungo sa
araw na ito” at ang “nakaraang linggo po ang pinakamahirap na dinaanan
naming pamilya mula noong pumanaw si Jesse.”
Sinamahan si Robredo ng kanyang mga anak sa pagpunta sa Kalayaan Hall ng
Club Filipino.
Tiniyak din ni Robredo na ipagpapatuloy niya ang matuwid na daan. “Sa gitna
po ng maraming pagsubok sa aming kahinaan, ang aming pamilya ang aming
inspirasyon para piliin ang mas malinis na daan, kahit ito pa ang mas
mahirap.”
Malaki rin umano ang naging impluwensya ng iniwang ala-ala ng kanyang
mister sa kanyang pagdedesisyon gaya ng tumakbo siya sa pagkakongresista.
âœNgunit gaya po ng dati, nabubuhay kami sa alaala ng parating sinasabi ni
Jesse noong nabubuhay pa siya, “Tiwala lang. May dahilan ang lahat ng
nangyayari. Dahil sa kahuli-hulihan ng lahat, ang mabuti ang parating
mananaig. At ang tama ang parating magtatagumpay.”
Sinabi naman ni Roxas malaking sakripisyo ang pagtanggap ni Robredo at ng
kanyang mga anak sa hamon.
“Ngayon, saksi tayo sa isa pang sakripisyo. Sakripisyo ng isang ordinaryong
tao, isang ina, isang single mother, na tinatawag at pinipiling tumugon sa
tawag ng Daang Matuwid. Sakripisyo ng tatlong dalaga, na nawalan ng ama sa
ngalan ng serbisyo publiko, at ngayon ay tinatawag ding ialay ang kanilang
pamilya sa mas mataas na adhikain. Sakripisyo ng isang pamilya para unahin
ang bayan bago ang sarili.”
Nagpahayag naman ni Pangulong Aquino ng tiwala na maipagpapatuloy ng dalawa
ang tuwid na daan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.