TILA hindi makalimutan ni Jiovani Jalalon ang pagkatalo ng Arellano University sa San Beda College tuwing magtutuos ang dalawang paaralan sa 91st NCAA men’s basketball.
Naghatid si Jalalon ng 25 puntos bukod sa walong assists, pitong rebounds at dalawang steals para igiya ang Chiefs sa 91-72 pangingibabaw sa Red Lions noong nakaraang linggo tungo sa 2-0 sweep sa kanilang head-to-head sa elimination round.
May 11 puntos siya sa first period para makapagdomina ang Arellano bago tumulong noong kumawala na ang Chiefs sa ikatlong yugto upang manatiling palaban sa puwesto sa Final Four.
Sa unang pagkikita ng dalawang paaralan na nagtuos sa finals noong nakaraang taon, si Jalalon ay tumapos bitbit ang 22 puntos, walong assists at anim na rebounds sa 88-84 panalo.
Dahil sa ginawang marka ng 23-anyos na point guard, si Jalalon ang siyang ginawaran sa ikalawang pagkakataon ng ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week citation mula sa mga kumokober sa liga.
Bago ang laro ay natalo ng dalawang sunod ang Chiefs kaya’t nalagay sa must-win at ito umano ang nagtulak kay Jalalon para itaas pa ang kanyang kalidad.
Huling asignatura ng Chiefs ay ang talsik ng Emilio Aguinaldo College at asahan na mangunguna uli ang tubong Cagayan de Oro City para lumapit pa sa hangaring puwesto sa Final Four.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.