Tubig sa mga dam sa Luzon tumaas dahil sa pag-ulan
TUMAAS ang lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon matapos ang mga pag-ulan dulot ng bagyong Kabayan.
Umabot sa 1.14 metro ang itinaas ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ang Angat Dam ang nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.
Mula sa 189.91 metro, tumaas ang tubig sa Angat Dam sa 191.05 metro Angat Dam, dagdag Pagasa.
Tumaas din ang tubig sa Ipo Dam ng 1.13 metro at umabot na sa 101.05 metro mula sa 99.92 metro.
Umakyat din ang tubig sa La Mesa Dam sa Quezon Cit ng 0.31 metro o 79.49 metro mula sa 79.18 metro.
Umakyat naman ang tubig sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija ng 0.87 metro o 192.78 metro o 191.91 metro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.