P223M jackpot sa Ultra Lotto sa Biyernes | Bandera

P223M jackpot sa Ultra Lotto sa Biyernes

Leifbilly Begas - September 28, 2015 - 02:04 PM

lotto for site
Inaasahang aabot sa P223 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstake Office walang nanalo sa P216.9 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola noong Linggo kung saan lumabas ang number combination na 6-34-18-49-54-4.
Anim naman ang tumama ng tig-P246,240 matapos makuha ang lima sa anim na numerong lumabas.
Nanalo naman ng tig-P2,300 ang 512 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 13,689 mananaya na nakatatlong numero.
Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon. Binobola ang Ultra Lotto tuwing Biyernes at Linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending