Pelikula nina Michael, Edgar Allan at Ate Guy lagot sa MTRCB
Speaking of Michael Pangilinan, tuloy na tuloy na ang showing ng launching film niyang “Pare Mahal Mo Raw Ako”, ang movie version ng hit song niya of the same title and is beautifully directed by Joven Tan. Wala pang exact playdate pero next month na ito naka-sked.
Kasama ni Michael in this film ang napakahusay na aktor na si Edgar Allan Guzman with the very special participation of Ms. Nora Aunor. Hindi rin nagpahuli sa acting sina Ana Capri, Hopia, Matt Evans, Joross Gamboa, Miggy Campbell and Gandang Lalaki ng It’s Showtime grand winner Nikko Seagal.
“Sana mag-click ang movie naming ito dahil first major movie ko ito and hindi ko alam kung kailan ulit ito masusundan. Naka-concentrate kasi ako sa singing career ko eh.
Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako in advance sa ibibigay ninyong suporta sa movie namin. Napakaganda ng pagkagawa ng movie – it’s a story about love – a sepcial kind of love between friends.
“Ganda ng mga twists and ang galing ng mga co-stars ko. Nakakapanindig-balahibo ang husay ni EA. Kaya wala akong choice kungdi ang sabayan siya kahit paano – sana pasado ako sa hinihinging acting ng film na ito.
Good luck na lang sa aming lahat. Ha-hahaha!” ani Michael who, in fairness, acted like a pro in the film. Wa etch.
May nagtanong sa akin kung meron daw bang sexy scenes sa film. Natawa naman ako kasi nga, porke ba kuwento ng dalawang magkaibigan at gay nga ang isang guy dito, kailangan talagang may sexy scenes?
Ha-hahaha! Pero wait – baka maloka kayo sa eksena ni Nikko Seagal – yung scene kung saan halos pumikit ang mata niyang habang hinahada ng isang transgender sa beach.
Nakakaloka ang eksenang iyon. Marami tiyak ang magwa-water-water sa scene na i-yon. In fairness, hindi malaswa ang pagkagawa ng eksenang yun. Sana nga lang pumasa sa MTRCB. Wish ko lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.