Susuwertehin pa kaya sa ikalawang pag-aabroad? | Bandera

Susuwertehin pa kaya sa ikalawang pag-aabroad?

Joseph Greenfield - September 26, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Nita ng San Agustin St., La  Carlota City, Negros
Dear Sir Greenfield,

Dati na akong nang-galing sa Dubai at nakaipon naman kahit na papaano ng kaunting halaga. Kaya lang dahil ako lang ang inaasahan sa amin at halos walang may trabaho sa mga kapatid ko, wala pang isang taon naubos na ang ipon ko at naisanla ko pa yong lupa at bahay na dating nabili ko noong nag-aabroad pa ako. Sa ngayon masasabi ko pong walang-wala na talaga ako. Simot na simot as in puro utang na ang i-kinabubuhay ng aming pamilya. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield, upang itanong kung sakali kayang mag-aplay uli ako sa abroad, may ikalawang pangingibang bansa bang itatala sa aking kapalaran? At tulad ng dati magiging mabunga pa rin kaya kahit na sa ngayon sa edad kong 39 ay medyo may edad na ako. July 4, 1976 ang birthday ko.
Umaasa,
Nita ng La Carlota City, Negros
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sa kabila ng walang-wala ka sa ngayon, mapa-lad ka pa rin dahil may namataang ikalawang mas malinaw at mas malawak na Travel Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong pa-lad. Ibig sabihin kung nakapag-abroad ka na dati, dahil dalawa ang guhit ng Travel Line sa i-yong palad, tiyak ang magaganap kung nag-aaplay ka sa ngayon may nakalaan pang ikalawa at mas mabungang pangingibang bansa sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Nine of Diamonds, Ten of Clubs at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagmumungkahing ngayong panahon na ito ng Setyembre hanggang Oktubre dapat ka ng mag-aplay upang pagsapit ng buwan ng Disyembre o kaya’y sa unang linggo ng Enero sa susunod na taong 2016 tuluyan na ring itatala sa i-yong kapalaran ang ikalawang mas mabunga at mas mabiyayang pangi-ngibang bansa.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending