Mga Laro Ngayon
(The Arena)
12 n.n. Mapua vs San Beda
2 p.m. JRU vs Perpetual Help
4 p.m. Letran vs Arellano
SINUSPINDI pa ng NCAA ng dalawa pang laro sina Nick Cabiltes at Nestor Bantayan ng University of Perpetual Help at Raymund Pascua ng Emilio Aguinaldo College nang napatunayan na nagsuntukan sa labas ng The Arena sa San Juan City noong Martes.
Sina Cabiltes at Pascua ay naunang pinatawan ng one-game suspension ng liga bunga ng ejection sa court sa ginanap na tagisan sa pagitan ng Altas at Generals.
Si Sidney Onwubere ay binigyan din ng one-game suspension dahil nakasama siya sa gulo sa labas ng court habang sina John Ylagan at Flash Gordon Sadiwa ng Altas ay binigyan ng warning.
Samantala, tinapos ng Lyceum ang limang sunod na pagkatalo sa 59-45 pananaig laban sa Generals sa 91st NCAA men’s basketball kahapon.
Ginamit ng Pirates ang 20-7 palitan sa huling yugto para maiakyat ang karta sa 4-12 baraha.
Natalo ang Generals sa ikawalong pagkakataon para bumaba pa sa 2-14 baraha.
May 16 puntos, 14 rebounds at 2 blocks si 6-foot-9 Cameroonian center Jean Victor Nguidjol habang 10 pa ang hatid ni Mer Ayaay para sa Pirates na ang habol ay magkaroon ng disenteng pagtatapos ang bigong kampanya sa liga.
Tinapos naman ng St. Benilde ang dalawang sunod na panalo ng San Sebastian sa 69-62 panalo sa ikalawang laro.
Ito ang ikalawang panalo ng Blazers sa Stags matapos ang 88-66 tagumpay sa unang pagtutuos noong Agosto 4 para putulin din ang tatlong dikit na kabiguan.
Naghatid si Jonathan Grey ng 24 puntos para sa nanalong koponan habang si Bradwyn Guinto ay mayroong 19 puntos para sa Baste na nalasap ang ika-11 pagkatalo matapos ang 16 laro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.