Sheryl umamin: Pinilit para sumabak sa politika
Kaya raw nag-iingay ngayon si Sheryl Cruz sa pamamagitan ng pagkontra sa kandidatura ng kanyang pinsan na si Sen. Grace Poe ay dahil may iba siyang ieendorsong presidentiable.
Sa panayam kay Sheryl ng entertainment media bago nagsimula ang grand presscon ng biopic na “Felix Manalo” under Viva Films kung saan kasali ang aktres (pero hindi na pinapunta ng producers sa event para hindi na mahaluan ng politika ang movie) dinenay din niyang may plano siyang tumakbo sa 2016.
“I’m reserving my support for anyone for whoever candidate kung sinuman ang nakikita ko na nararapat at dapat mamuno at siyang karapat-dapat maayos siyang tao at isa pa ang puso niya ay para sa mamamayan at sa mga bata at para sa mga ina na tulad ko na single mother na tulad ko ‘yun ang aking susuportahan,” pahayag ni Sheryl.
May nangungumbinsi ba sa kanya na tumakbo sa kahit anong government position sa susunod na taon?
“I am not actually, it’s just funny tulad nga ng sinabi sakin kanina I’m having my own presscon to tell all because I’m proclaiming that is not true!
“You know what there are people asking me if I’m interested to run five years ago pa po,” sagot ng aktres.
Pero ayaw banggitin ni Sheryl kung sino ang umudyok sa kanyang kumandidato siya noon, “I’d rather not say dahil ibat-ibang grupo ito hindi lang isa,” sabi ulit.
Sinabi rin ng aktres na walang kahit sinong politiko ang nasa likod niya kaya nagsasalita siya laban kay Grace.
Samantala, hindi na pinatulan ni Sen. Grace ang kanyang pinsan. Sa kanyang statement, sinabi nitong, “I thank Sheryl for her opinion and concern for us. As family, we will give her the love and respect she deserves.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.