Survey ng SWS kwestyunable nga ba? | Bandera

Survey ng SWS kwestyunable nga ba?

Leifbilly Begas - September 23, 2015 - 01:05 PM

TATLO na ang malinaw na kandidato—si Vice President Jejomar Binay na siyang unang nagdeklara, dating Interior Sec. Mar Roxas na inendorso ni Pangulong Aquino at si Sen. Grace Poe na ang running mate ay si Sen. Francis Escudero.

Nagsabi na si Davao City Rep. Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo pero hindi pa sumusuko ang kanyang mga supporter na pipi-litin daw siyang tumakbo.

Ang apat na pa-ngalan ay lumutang sa survey ng Social Weather Station nitong Setyembre.

Nakuwestyon naman ang survey ng SWS dahil hindi umano ito makatotohanan.

Tinanong kasi ng SWS ang mga respondent kung sino ang tatlong nais nilang pumalit kay Aquino sa susunod na taon.

Eh isa lang naman daw ang iboboto sa pagkapangulo, bakit tatlo ang itinanong?

Isa sa mga nagpahayag nito ay ang kaalyado ni Binay na si Paranaque Rep. Gus Tambunting.

May mga nakapansin sa pahayag na ito ni Tambunting na abot ang tenga ang ngiti noong si Binay pa ang nangunguna sa mga survey.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tatlong pangalan ang hiningi ng SWS.
Sa First Quarter survey ng SWS ngayong taon, si Binay ang nanguna na nakakuha ng 36 porsyento. Sumunod si Poe na may 21 porsyento, pangatlo si Roxas na 19 porsyento at si Duterte ay limang porsyento.

Sa Second Quarter survey ay ganito rin ang tanong ng SWS. Dito unang naungusan ni Poe si Binay. Nakakuha si Poe ng 42 porsyento, si Binay ay 34 porsyento. Pangatlo pa rin si Roxas na may 21 porsyento at 20 porsyento si Duterte.

Nang lumabas ang Third Quarter survey ay naungusan na ni Roxas si Binay.

Baka hindi natanggap ng mga kakampi ni Binay na naungusan na ni Roxas ang kanilang pambato kaya kinukuwestyon na nila ang SWS.

Naaalala ko pa noong 2010 elections, nangunguna si Roxas noon sa mga survey sa pagkabise presidente.

Pero sa survey bago ang eleksyon, naungusan na ni Binay si Roxas at ito ang lumabas sa resulta ng eleksyon.

Malaki ang pananalig ng kampo ni Binay sa survey kaya hindi siguro maganda tingnan na dahil bumababa si Binay ay ayaw na nila dito.

Sa huling survey ng SWS, hindi naman lahat ay nagbigay ng tatlong pangalan.

Sa 1,200 respondents, 45 porsyento ang nagbigay ng isang pangalan lamang, 31 porsyento ang nagbigay ng dalawang pangalan at 17 porsyento lamang ang nagbigay ng tatlong pangalan.

Walang ipinakitang pagpipilian sa mga respondent kaya ang maisasagot nila ay kung ano ang pumasok sa kanilang isip.

Kapag nakapaghain na ng certificate of candidacy ang mga kandidato ay inaasahan na babaguhin ng SWS ang kanilang tanong sa mga respondent.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Itatanong na nila kung sino ang iboboto kung sa araw na iyon gagawin ang halalan. Sa tanong na ito ay magkakasukatan na kung sino ang malakas na kandidato at kung sino ang napag-iiwanan na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending