Ion Perez nag-back out, hindi na nga ba tatakbo bilang konsehal? | Bandera

Ion Perez nag-back out, hindi na nga ba tatakbo bilang konsehal?

Therese Arceo - October 22, 2024 - 06:31 PM

Ion Perez nag-back out, hindi na nga ba tatakbo bilang konsehal?

USAP-USAPAN ngayon sa social media kung aatras na nga ba ang isa sa “It’s Showtime” host na si Ion Perez sa pagkandidato bilang konsehal sa Concepcion, Tarlac.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz na uploaded nitong Lunes, October 21, kasama sa mga naging topic nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Mrena ang umano’y deleted post ng hubby ni Vice Ganda.

“Ang post kasi ni Ion was, ‘Salamat sa sign, Lord. Alam ko mas makakabuti itong desisyon ko para sa sarili ko.’ Tapos noong sinend sa akin ni Mrena, ini-scroll-scroll ko ‘yong mga comments,” pagbabahagi ni Mama Loi.

“So ‘yong iba tinatanong, aatras ka na ba sa kandidatura mo? E, ‘di ba naibalita mo, Nay, na feeling mo may aatras?” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Ion Perez nag-file na rin ng COC, tatakbong konsehal sa Tarlac

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

Ani Ogie, kung ang pagbabasehan ay ang naging cryptic post ni Ion ay parang aatras sa eleksyon ang dating.

“Kung pagbabatayan natin ‘yong cryptic post na ‘yan ni Ion Perez…kasi nakaitim ‘yong background niya. So, parang malungkot na balita ‘yong dating. Na parang, ‘ano ‘to? Aatras ba ‘to?’

“Kasi kung makakabuti itong desisyon ko para sa sarili ko, dapat hindi black ‘yong background,” lahad ni Ogie.

Sa kabila ng kanilang pagbibigay opinyon hinggil sa isyu umanong pag-withdraw ni Ion sa pagsabak sa politika ay nananatili namang tahimik ang huli sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pa rin itong inilalabas na pahayag o paglilinaw hinggil sa kumakalat na usapin sa social media.

Matatandaang noong October 1, unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy ay nagsumite si Ion ng kanyang kagustuhan na tumakbo bilang konsehal.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag at paglilinaw ng “It’s Showtime” host hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending