FEU nais masolo ang liderato sa UAAP | Bandera

FEU nais masolo ang liderato sa UAAP

Mike Lee - September 23, 2015 - 02:00 AM

feu

Mga Laro Ngayon
(SM MOA Arena)
2 p.m. FEU vs UE
4 p.m. NU vs Adamson
Team Standings: UST (3-1); Ateneo (3-1); FEU (3-1); UP (2-2); UE (2-2); La Salle (2-2); NU (1-3); Adamson (0-4)

KAKALAS ang Far Eas-tern University sa paki-kisalo sa unang puwesto habang pangalawang su-nod na tagumpay ang target ng nagdedepensang kampeong National University ngayon sa pagpa-patuloy ng 78th UAAP men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Makakatunggali ng FEU Tamaraws ang University of the East Warriors sa ganap naika-2 ng hapon habang ang walang panalo na Adamson ang kalaro ng Bulldogs dakong alas-4 ng hapon.

Ang UE ay mayroong 2-2 baraha at nais din na makasolo ang ikatlong puwesto na kasalukuyan ay pinagsasaluhan ng pahingang La Salle at UP.

May 3-1 baraha ang Tamaraws para malagay sa unang puwesto katabla ang mga walang larong Ateneo at UST. Galing ang Tamaraws sa 75-58 dominasyon sa University of the Philippines at balanseng pag-atake ang kanilang i-pinakita dahil 11 players ang naghatid ng puntos.

“Ngayon ay na-involve na namin lahat. Makaka-tulong sa amin ang ganyan,” wika ni Tamaraws coach Nash Racela. Pero kung may isang bagay na dapat mag-ibayo sa kanyang koponan, ito ay ang limitahan ang kanilang errors lalo pa’t ang UE ay naglalatag ng magandang depensa.

Papasok ang Bulldogs mula sa 55-54 panalo laban sa UST na pumutol sa kanilang three-game losing streak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending