Lacierda rumesbak kay Escudero matapos hamuning magbitiw
TULOY ang word war sa pagitan nina Sen. Francis “Chiz” Escudero at Presidential Spokesperson Edwin Lacierda matapos namang sagutin ng huli ang panawagan ng senador na magbitiw na lamang siya bilang tagapagsalitan ni Pangulong Aquino matapos umanong maging tagapagsalita ni dating Interior secretary Mar Roxas.
Sa kanyang briefing, iginiit ni Lacierda na pawang mga posisyon ni Aquino ang kanyang inihahayag.
“I play my role as a spokesperson and I speak on all issues and whatever questions are posed to me, we answer to the best of our knowledge. So, it’s not about me. It’s a campaign… There’s eight months to discuss about the campaign. There will be issues that they will have to answer and that is that. And thank you for giving me the attention but I truly do not deserve the personal attention given to me by Senator Escudero,” sabi ni Lacierda.
Sinabi ni Escudero na mag-resign na lamang si Lacierda dahil nagiging tagapagsalita na ni Roxas.
“Siguro maliwanag doon na ang aking prinsipal si Pangulong Aquino ay tumaya na kay Secretary Mar Roxas. It is not remote for me to also voice out the same attention—the same endorsement given by the President kay Secretary Mar Roxas,” ayon pa kay Lacierda.
Iginiit ni Lacierda na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho bilang tagapagsalita ni Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.