Horoscope, September 18, 2015 | Bandera

Horoscope, September 18, 2015

Madam Sophia - September 18, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Itigil na ang mga page-ekperimento sa negosyong wala namang malinaw na kinikita, sa halip paluwal ka lang. Sa pag-ibig, itapon ang pride sa basurahan at humingi ng sorry sa minamahal. Matatapos ang araw na ito sa isang napakagandang sopresa. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Apoy ang iyong suwerteng elemento. Ngayon pa lang iplano na ang Paskong darating, magluto ng mga pagkaing pampasko, ang ganyang mga kalakal ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, bago dalhin sa market ay ipatikim muna sa kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 30, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Harim-Om-Hara.” Maroon at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Venus ang ruling planet ng Taurus. Basta’t lagi ka lang magpa-sexy, gagandang muli ang kapalaran at lalong sasarap ang pakikipagrelasyon sa isang Virgo. Sa pananalapi, kapag sexy ang katawan ay mas maraming meteryal bagay ang kusang darating. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahwiaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Tawanan mo lang sila upang mabigong lahat ang mga kakumpetensya. Sa masayahing aura, kikita nang malaking halaga. Sa pag-ibig, lalong iinit at sasarap ang relasyon kung bibigyan ng pagkaing kulay puti na bilog na hinihigop ang sabaw ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om!” Silver at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Mag-ingat sa medyo matigas na kulot ang buhok at may kayumangging kulay ng balat, siya ang manra-racket na naman sa iyo – lagi ka kasing nagpapauto! Sa pag-ibig, panatiliin ang pagtitiwala sa kasuyong slim ang pangangatawan. Mapalad ang 7, 16, 25, 38, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Om.” White at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Pera na naman ang problema. Itigil na ang sobrang magastos. Pikit-matang magtipid upang makaahon sa mga problema pang-pinansyal. Tuloy ang lalo pang umiinit na pakikipagniig sa isang Sagittarius. Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 40, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om.” Magenta at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Mag-concentrate sa ginagawa, wag masyadong makipagdaldalan. Sa kasuyo ikuwento ang mga positibong laman ng isipan, i-encourage ka niya upang ang lahat ng iyong mga balak ay mag materialize. Mapalad ng 5, 18, 26, 32, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Gold at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Elementong hangin ang namamayani sa Libra. Hindi mo ba napapansin kung minsan ay “mahangin” ka? Sa pagpapakumbaba ay mas maraming biyayang matatanggap at mas magiging maligaya ang relasyon sa isang Aquarius. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om-Adhenan.” Blue at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Green at red ang mapalad na kulay ng isang Scorpio. Sa pinansyal, mas mabilis na tatabo ng malaking halaga kung laging magsusuot ng red. Sa pag-ibig, green naman ang kulay na maghahatid sa isang nakakabaliw na romansa. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Patrenan-Om-Ayena.”
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat mainis sa makulit na mga kasama, sisirain lang nila ang araw mo. Wag mo silang intindihin dahil ang mahalaga ay ginagawa mo lang ang tama at mabuti para magkapera ka. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang pagigng makulit ng kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kapag suwerte ang mga Virgo ay susuwertehin ka rin. Sapagkat ang Virgo at Capricorn ay may iisang elementong tinataglay – ang earth o lupa. Panahon ngayon ng mga Virgo kaya panahon mo rin. Mabilis na aangat ang kabuhayan habang patuloy ang masayang pakikipagniig sa isang Cancer. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Silver at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi ka na mabibigo sa pag-ibig kung susunod sa suhestiyon ng mga magulang at kaibigan. Sa pinansyal, tama ang iniisip mong pagtitipid, sa ganyang paraan ang pag-asenso ay madaling makakamit.” Mapalad ang 5, 10, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayon mo mararamdamang tila kinakapos ka ng pera. Ganoon talaga, nitong mga huling araw naging magastos ka kasi. Panahon na upang magtipid. Sa pag-ibig, ipatago ang natitirang salapi sa kuripot na kasuyo. Mapalad ang 1, 18, 25, 23, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” White at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending