Phivolcs itinaas ang tsunami alert sa 20 probinsiya
ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang tsunami alert sa 20 probinsiya sa bansa matapos ang 8.3 magnitude na lindol na tumama sa Chile na naramdaman sa kahabaan ng Pacific Ocean, sabi ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (Apsemo).
Sinabihan ng Apsemo ang mga residente ng Albay na manatiling alerto at makinig sa mga babala matapos namang tumama ang napakalas na lindol sa karagatan ng Chile sa South America ganap na alas-6:55 kahapon ng umaga.
“People along coastal areas facing the Pacific Ocean and the Philippine Sea should keep watch,” sabi ng Apsemo.
Niliwanag naman ng babala ng Apsemo na wala namang ipinalabas na abiso ang Phivolcs para sa paglilikas ng mga residente.
Kabilang sa mga lugar na itinaas ang tsunami warning ay ang Batanes Group of Islands, Sorsogon, Cagayan, Northern Samar, Ilocos Norte, Eastern Samar, Isabela, Leyte, Quezon, Southern Leyte, Aurora, Surigao del Norte, Camarines Norte, Surigao del Sur, Camarines Sur, Davao Oriental, Albay, Davao del Sur, Catanduanes at Davao Occidental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.