Heart kay Chiz: Hindi trabaho ng senador na makipaghalikan! | Bandera

Heart kay Chiz: Hindi trabaho ng senador na makipaghalikan!

Ervin Santiago - September 16, 2015 - 03:00 AM

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

may kissing scene ang misis na si Heart Evangelista sa teleserye nito sa GMA 7 na Beautiful Strangers.

Sey ng senador, naiintindihan niya na bahagi ito ng trabaho ng kanyang asawa at artista na si Heart nu’ng ma-kilala niya kaya suportado niya ang aktres sa lahat ng ginagawa niya sa kanyang showbiz career.
Minsan daw ay napapag-usapan din nila ni Heart ang tungkol dito.

“Tinanong ako eh, kung ano raw ang pakiramdam ko kapag may kissing scene siya. Sabi ni Heart, ‘Wala kang karapatang magalit.’ Sabi ko paano kapag may nakita akong kahalikan, pwede rin ba?” biro ni Chiz sa isang panayam.

“Sabi niya (Heart), ‘Hindi mo trabaho iyon, ako trabaho ko iyon. Hindi trabaho ng senador na makipag-halikan kanino man. Trabaho iyan ng isang artista at paminsan-minsan lang nangyayari ‘yun,’” ang kuwento pa ng senador.

Bilang bida sa teleseryeng na napapanood sa TeleBabad block ng GMA 7, marami itong kissing scenes sa leading man niyang si Rocco Nacino, ang boyfriend ng best friend niyang si Lovi Poe na kasama rin nila sa programa.

Ganu’n pa man, siniguro ni Chiz na hindi siya nanghihimasok sa showbiz career ng asawa at ganoon din naman si Heart sa kaniya sa politika.

Samantala, ngayong gabi sa Beautiful Strangers, mapapanood na ang pagsampal ni Boyet de Leon (Ronaldo) kay Dina Bonnevie (Alejandra) at ang pagsapak niya kay Kier Legaspi (Rigor). Abangan din kung ito na ang tamang panahon para bumalik ang alaala ni Joyce (Lovi).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending