JAYA nabiktima ng kasambahay, pinalabas na masamang tao | Bandera

JAYA nabiktima ng kasambahay, pinalabas na masamang tao

- September 26, 2012 - 07:15 PM

Muntik nang mawasak ang iniingatang pangalan

Mabuti naman at agad na nagkaroon ng linaw ang isyung nagsangkot sa pangalan ng magaling na singer na si Jaya.

Tungkol ‘yun sa pagkakasakit ng isa niyang kasambahay na siya pa mismo ang naghatid sa ospital, pero sa bandang huli ay si Jaya pa ang iginagawa ng isyu, pagkatapos daw itong ibili ng ilang gamot ng singer ay pinabayaan na niya.

Lumapit kay kuya Raffy Tulfo sa Radyo Singko ang kasambahay, hindi raw kasi ito makalabas sa ospital dahil malaki pa ang banlanse nito, ayaw na raw kasing magbigay ng pera ni Jaya at sinabihan pa ang kanyang kasambahay na bahala na ito sa kanyang buhay.

Nu’ng bigyan ng pagkakataong makapagbigay ng kanyang panig si Jaya ay luminaw rin ang kuwento, siya pa pala mismo ang naghatid sa kasambahay niya sa East Avenue Medical Center dahil wala siyang driver nu’ng mga oras na ‘yun, umamin din ang kasambahay na hindi naman ito sinabihan ni Jaya na bahala na sa kanyang buhay kundi tumulong pa nga sa kanya.Panggobyernong ospital ang EAMC, sinigurado pa ni Jaya sa mga doktor na walang babayaran ang kanyang kasambahay, nakapagtataka tuloy kung saan nanggaling ang kuwentong sinasabi nito na ayaw itong palabasin ng ospital dahil sa kanyang balanseng disiotso mil.

Kundi naagapan ni Jaya ang istoryang ito ay masisira ang kanyang imahe nang paganu’n na lang.

Tumulong na siya ay napasama pa sa bandang huli, siya pa ang pinalabas na walang malasakit, samantalang siya pa nga ang nagmaneho para lang madala sa ospital at matulungan ang kanyang kasambahay.
Haaay, naku!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending