Ellen tinawag na pabebe boy si Ejay: Pikon kasi siya! | Bandera

Ellen tinawag na pabebe boy si Ejay: Pikon kasi siya!

Ervin Santiago - September 12, 2015 - 02:00 AM

ejay falcon

“PABEBE boy” ang tawag ng Kapamilya sexy star na si Ellen Adarna sa rumored boyfriend niyang si Ejay Falcon.

Inamin ni Ellen sa presscon ng Pasion de Amor book 2 na halos lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang lalaki ay na kay Ejay na kaya hindi imposibleng maging boyfriend niya ito.

Pero mariin niyang sinabi na wala pa talaga silang seryosong commitment ng hunk actor. “Tsaka sobrang bait. Parang babae minsan. In so many ways, he’s sensitive,” sey ni Ellen habang nangingiti lang si Ejay sa kanyang kinauupuan during the presscon.

Ayon pa kay Ellen, cute naman daw ang pagiging sensitive ni Ejay, talaga lang daw mabilis itong mapikon, “Kasi ako, mahilig akong mang-asar.

Minsan inaasar ko siya. Hindi ko naman intention to hurt him. Tapos minsan nagtatampo-tampo siya sa mga ganyan. Pabebe boy!”

Sumingit naman bigla si Ejay at sinabing minsan daw ay nagseselos siya kapag laging binabanggit ni Ellen ang pangalan ni James Reid na crush na crush daw ng dalaga.

“Actually, lagi niya akong…kasi guwapung-guwapo siya kay James Reid. Tapos lagi niyang sinasabi, ‘O, wow! Guwapo ka dito ha, James Reid!’ Gusto ko sabihin niya, ‘Guwapo ka dito, Ejay!’ Pero hindi yun ang pinaka (kinaaasaran ko).

Pero yun yung sa dami ng pambu-bully niya sa akin, isa yun, yung mga ganu’n!” ang tawa nang tawang pag-amin ng hunk actor.

Pero totoo bang pinagseselosan niya si James? “Hindi. Actually, dati po talaga seloso po talaga akong tao. Sensitive ako. Pero (simula nang) nakasama ako kay Ellen, napag-a-ralan ko na yung sarili ko para mawala yung selos, yung pagiging sensitive.

Kasi wala, e, kailangan mo matuto, kailangan mong mag-adjust sa tao. And feeling ko, nawawala yun.”
Pero sey naman ni Ellen wala siyang ma-lisya kay James Reid, “Oo, crush ko lang.

Crush ko lang talaga si James Reid. Walang pagnanasa. Ang bata pa ni James!” Pareho namang umamin ang dalawa na talagang mas naging close sila ngayon dahil sa Pasion de Amor at naniniwala sila na mas magiging matatag ang foundation ng kanilang friendship sa pagpapatuloy ng kanilang teleserye sa ABS-CBN na meron na ngang book 2.

Ayon kay Ellen, hangga’t maaari ay ayaw na muna niyang pumasok sa bagong relasyon, gusto munang i-enjoy ang pagiging single matapos nga siyang makipag-break sa kanyang ex.

“Getting to know each other pa lang kami ni Ejay. Tapos lumalabas kami. Yun lang. Tsaka hindi pa ako ready kasi kaka-break ko lang ng ex-boyfriend ko, e,” esplika ng dalaga. Dugtong nito, “But everything is possible naman.”

In fairness, ilang beses na rin daw nakapunta sa bahay niya si Ejay. Sa katunayan, ito pa raw ang tumulong sa kanya na mamili ng mga gamit para sa bago niyang apartment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oo, kasi nu’ng time na yun, nagloko yung driver ko. Tapos magka-text kami, ‘Anong plano mo today?’ Sabi ko, ‘Kailangan ko bumili ng gamit-pangbahay. I need a hand.’ So, yun, tinulungan niya ako.”

Samantala, handang-handa na rin sina Ellen at Ejay para sa Star Magic Ball ngayong gabi na gaganapin sa Makati Shangri-La Hotel. Ito ang unang pagkakataong makakadalo si Ellen sa annual event ng Star Magic. Si Ejay ang magiging escort niya tonight.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending