Andrea tumodo sa paghuhubad; photo book mas matindi sa FHM | Bandera

Andrea tumodo sa paghuhubad; photo book mas matindi sa FHM

Ervin Santiago - September 11, 2015 - 01:17 PM

ANDREA TORRES

ANDREA TORRES

TIYAK na magpipiyesta na naman ang mga kalalakihan (at katomboyan) sa bagong project ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres.

Kamakailan ay pormal nang ni-launch ang kanyang photo book/coffee table book na may titulong “Andrea: Road Trip”. Meron itong 100 pahina kung saan makikita ang todo-todong pagpapaseksi ni Andrea. Mas pasabog ito sa ginawa niya noon para sa FHM.

“Sobra, sobrang proud po. Sobrang saya ko. Ang nangyari nga, sa sobrang ganda ng mga shots niya, ang hirap mag-let-go ng mga pictures. Ito rin ang pinakamagandang katawan na na-produce ko,” ayon sa Kapuso leading lady sa presscon ng kanyang coffeetable book.

Kung matatandaan, talagang ayaw pa noong pumayag ni Andrea na mag-FHM dahil marami siyang inaalala, pero makumbinse rin siya ng mga taong namamahala sa kanyang career na sumabak na rin sa pagpapaseksi. At walang pinagsisisihan si Andrea sa kanyang naging desisyon.

At dahil nga itinanghal na Top 2 sexiest woman sa online poll ng FHM this year, tumodo na ang dalaga sa paghuhubad sa kanyang photo book mula sa Summit at Raw Books. Ang magaling na photographer na si Jay Tablante ang namahal ng pictorial ni Andrea na ginawa pa sa Tagaytay.

Ayon kay Andrea, ang kanyang manager na si Rams David talaga ang nakakumbinsi sa kanya na gawin ang nasabing proyekto, “Si Ateng (Rams) talaga ang nagbigay sa akin ng idea kasi, siya talaga ‘yung kumausap sa akin. Sinabi niya sa akin na hindi ako dapat magpabukas-bukas.”

Paano niya pinaghandaan ang pictorial niya para rito? “Two days kasing magkasunod eh so siyempre ‘yung diet ibang klase. Kunwari ang call time namin 7 a.m., 3 a.m. gising na ako kasi workout ako bago mag-shoot at siyempre bantay na bantay din pati ‘yung pagkain.”

“And masasabi ko, FHM times 10 ito. Hindi lang siya masyado halata sa cover kasi gusto namin kapag hinahawakan siya sa TV, puwede ko siya (ipakita) kasi parang beauty shot lang ‘yung cover. Noong FHM, pinatatakpan eh kasi sobrang sexy,” chika pa ni Andrea na napapanood pa rin bilang mainstay sa gag show ng GMA na Bubble Gang.

Naniniwala naman ang dalaga na kahit nagpapaseksi na siya ay, “Tingin ko naman, marami pa akong puwedeng gawin. Lalo na ngayon na napaka-artistic na ng lahat, tingin ko naman, marami pang puwedeng gawin at ipakita.”

Chika naman ng photographer na si Jay, “The concept I thought is a travel story. It’s a road trip so kumuha kami ng vintage (van), and nag-drive lang kami around Tagaytay. (Nag-shoot kami) wherever (katulad ng) sa gitna ng daan, sa may mga gardens, pathways na nakita namin at coffee shops.”

“Ang point-of-view ng camera, ikaw ang significant other ni Andrea. Ito very natural, very candid ‘yung moments niya, may moments na very vulnerable [at] may moments na playful. It’s a very intimate experience,” dugtong pa nito.

Catch Andrea as she signs copies of “Andrea: Road Trip” at the Manila International Book Fair, SM Mall of Asia Complex, Pasay City on Sept. 19, 2:30 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ibinalita rin ni Andrea na malapit nang mapanood sa Pilipinas ang ginawa nilang international series ni Mikael Daez na Blood In Dispute Cambodian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending