Halaga ng piso bumagsak sa P47 kada dolyar
BUMAGSAK ang piso sa P47 kada dolyar kahapon ng umaga matapos ang ilang linggong paghina nito.
Alas-9 ng umaga ay nagbukas ang piso sa P47 kada dolyar, mas mababa kumpara sa P46.92 kada dolyar nang magsara ang kalakalan noong Lunes.
Huling naitala ang P47 kontra dolyar noon pang 2010.
Alas-10:50 ng umaga ay pumalo ang piso sa P47.019.
Pabor ang mas mababang piso sa pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs), bagamat mangangahulugan ito na mas mahal na pag-aangkat ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending