Kailan makakatagpo ng tapat na BF? (2)
Sulat mula kay Darling ng Luyuan Pasonanca, Zamboanga City
Problema:
1. Ako ay 25 years old na sa darating na September 13, nagtataka lang ako sa kapalaran ko kung bakit lagi akong bigo sa buhay lalo na sa pag-ibig. Marami na akong naging boyfriend pero wala namang nagtagal?
2. Sa ngayon malapit na birthday ko pero wala akong boyfriend, nais ko pong malaman kung kailan ako muling magkaka-boyfriend at kung sakaling magka-boyfriend na uli ako, hindi kaya ako mabibigo at luluha uli at kahit kaya may nakaraan na ako, papakasalan pa rin kaya ako ng magiging boyfriend ko? Kailan kaya ako susuwertehin sa pag-ibig at makakatagpo ng tapat na boyfriend na pang habang buhay na akong mamahalin? September 13, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Darling ng
Zambonga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing kung nabigo ka dati sa mga nakaraang pag-ibig, tiyak na sa susunod na pakikipag-boyfriend hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, makadadama ka na ng pang habang buhay na ligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing likas kang susuwertehin sa pagtutong ng edad mong 25 pataas. Ibig sabihin, pagtuntong na pagtuntong mo ng edad na 25 sa September 13, magsisimula ng gumanda at bumuti ang kapalaran mo sa larangan ng pag-ibig, sa pakikipag-relasyon at sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Graphology:
Ngunit bago tuluyang makamit ang tagumpay sa pag-ibig at relasyon, baguhin mo ang iyong lagda. Wag mong pagpatongpatungin ang letrang “DCP” sa iyong pirma. Paghiwahiwalayin mo ang nasabing mga letra. Sa ganyang lagda, nababasa ang iyong pangalan at apilido, magkakaroon ka ng tiwala sa iyong sariling kakayahan, hanggang sa bandang huli ang tiwala ding ito sa iyong sarili ang maghahatid sa iyo sa ganap na tagumpay at kaligayahan.
Huling payo at paalala:
Darling kahit sabihin pang marami ka ng naging karansan sa pakikipag-boyfriend wala namang kaugnayan yon sa nakatakdang kapalaran. Kung saan, ang nakatakdang kapalaran ay ganito:
Sa buwan ding ito ng Setyembre pagkatapos na pagkatapos ng birthday mo sa edad mong 25 pataas, tiyak ang magaganap, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus ang makikilala mo, kung saan, ang nasabi ding lalaki ang siya ng magpapalasap sa iyo ng isang tapat at dalisay na pag ibig na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.