Bamboo umaming naging emosyonal sa pagkapanalo ni Elha kaya napaiyak
NAIYAK sa labis na saya ang Rock Icon na si Bamboo nu’ng i-proclaim na bagong grand champion ng The Voice Kids mula sa Kamp Kawayan ang banana que vendor from Kyusi na si Elha Nympha.
Hindi naman itinanggi ni Bamboo na naluha siya for Elha. “I just thought she deserved it lang,” esplika ni Bamboo. I thought she was the most consistent, the most natural performer, uhm, we have somebody really special now.
Ah, it’s amazing to what this show can do ng we have found nga, e. Her life will gonna change on her own merit, what God has given me,” pahayag ni Bamboo.
Kapansin-pansin din ang pagi- ging very emotional ni Coach Bamboo sa pagkapanalo ni Elha, “I am, I am. I’ve investment in my kids, ganoon lang ‘yun kasimple,” pag-amin niya.
Hindi naman niya inisip na finally meron ng champion from his team, “I’m just happy for Elha, ‘yun lang naman. But well, I’m in Team Elha now and I’m just very proud of her.
Look at her smile and the voice to back her up, the heart to back her up. Amazing lang talaga.”
Malaking bagay daw sa pagkakapanalo ni Elha ang pagpili niya ng tamang kanta during the finals.
“At this point, I never liked ta- king credit. Sa amin kasi it’s about Elha. It’s about our team lang. We worked well. Madali siyang turuan, madali siyang kausapin.
She just has a good heart, a good kid. People around her are good people as well, her mother. That’s a sign of good things to come.”
Feeling niya if there’s something na he did right ngayong season ng The Voice Kids ay ‘yung pagpili niya kay Elha during the blind auditions.
“Well, that something right was I turned for her. I was the only coach who turned for her. That is quite a story lang, and then, for her to come, coz’ people does not expect her, no one saw her coming, right?
And then, at some point, I knew I had somebody very special talaga, very special. It’s mind-blowing what she can do,” pahayag pa niya.
Sobrang saya naman daw ni Elha nu’ng makita niya na umiyak si Bamboo on stage. Siyempre, tinanong naming si Elha kung anong plano niya sa napanalunan niyang cash prize.
“Ang plano ko po sa premyo ko ay iipunin ko muna po para sa susunod po may pangkuha po kami doon ng kailangan namin. At siguro po, kasi gusto ko po sanang magtayo ng banana que restaurant,” lahad ni Elha.
Nakilala si Elha sa The Voice Kids sa kanyang paglalako ng banana que. Wala pa raw siyang planong bilhin na anything for herself na gustung-gusto niya. Meron na raw kasi siyang cellphone.
Tinanong din namin si Elha kung type rin niyang umarte on TV gaya ng unang grand champion sa The Voice Kids na siu Lyca Gairanod, “Ah, kailangan ko po muna magpraktis,” ngiti ni Elha. “Marunong po ako ng….konti.”
At ang pinaka-unforgettable raw para sa kanya na itinuro ni coach Bamboo na sa tinign niya ay nagpanalo sa kanya, “Always smile with 10 thousand points.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.