Alden gagawin ang lahat para kay Yaya Dub; tagumpay sa huling hamon ni Lola Nidora | Bandera

Alden gagawin ang lahat para kay Yaya Dub; tagumpay sa huling hamon ni Lola Nidora

Ervin Santiago |August 30,2015
facebook
share this

Alden gagawin ang lahat para kay Yaya Dub; tagumpay sa huling hamon ni Lola Nidora

Ervin Santiago - August 30, 2015 - 02:00 AM

alden richards

As expected tinutukan na naman ng buong bansa ang pagpapatuloy ng kuwento sa kalyeserye ng Eat Bulaga starring Alden Richards and Yaya Dub, and of course with the triplets Lola Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo).

Nagawa ni Alden ang nakaraang challenge ni Lola Nidora na pasalubungan siya ng laing at pinangat mula sa Bicol. Pero kahapon, isang bagong hamon ang hinarap ng binata: Dinala siya ng mga Rogelio sa kinaroroonan ni Lola Nidora para ipatikim dito ang laing at pinangat.

Pero gusto raw nito ay mas maanghang, kaya ang challenge kay Alden: kunin ang mga sili sa swimming pool sa loob lang ng limang minuto.

Kailangang patunayan nito na kaya niyang gawin ang hamon para ipakita ang kanyang pagmamahal kay Yaya Dub. Nilangoy ng binata ang swimming pool at napagtagumpayan muli ang challenge.

Siyempre, tuwang-tuwa si Yaya Dub at sinabihan pa si Alden na magpalit agad ng damit dahil nga basang-basa ito. Binitin naman ni Tinidora ang pagbubunyag kung sino talaga ang tunay na nanay ni Yaya Dub kaya ‘yan naman ang aabangan ng dabarkads next week sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Tawa naman nang tawa ang mga viewers sa pagbibigay ng warning nina Joey de Leon at Michael V kay Jose (nakabistida) na mag-ingat sa pag-upo-upo para hindi mag-hello ang kanyang “rambutan” tulad ng nangyari kay Wally kamakailan na nasilipan nga dahil sa suot na bistida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending