Letran, San Beda nanatili sa itaas ng NCAA team standings | Bandera

Letran, San Beda nanatili sa itaas ng NCAA team standings

Mike Lee - August 29, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro sa Martes
(The Arena)
2 p.m. Arellano vs St. Benilde
4 p.m. Perpetual Help vs Lyceum
Team Standings: Letran (9-2); San Beda (9-2); Perpetual Help (7-3); Arellano (6-4); JRU (6-4); Mapua (5-5); San Sebastian (3-7); St. Benilde (2-8); Lyceum (2-7); EAC (2-9)

WALANG naging problema ang San Beda at Letran sa pagdispatsa sa kanilang mga nakaharap upang manatiling magkasalo sa liderato sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sinamantala ng Red Lions ang hindi paglalaro ni Jonathan Grey tungo sa madaling 89-63 pagdurog sa College of St. Benilde Blazers habang sapat ang puwersang ipinakita ng Knights tungo sa 86-76 panalo sa nangungulelat na Emilio Aguinaldo College Generals para sa magkatulad na 9-2 karta.

Si Arthur dela Cruz ay mayroong 17 puntos, 10 rebounds at pitong assists habang limang iba pa ang nasa double digits kasama ang nagbabalik na sentro na si Ola Adeogun na may 12 puntos at pitong rebounds.

Ang kalat na opensa ng five-time defending champion ang pinuri  ni San Beda coach Jamike Jarin dahil ito ang kailangan nilang ipakita para maalpasan ang mahirap na labanan sa second round.

Samantala, tumapos si Mark Cruz bitbit ang 29 puntos para pangunahan ang Knights na naibaon din sa limot ang 83-69 unang kabiguan na ipinalasap sa kanila ng Generals.

Nakabawi rin si Cruz sa masamang endgame laban sa San Sebastian Stags na kanilang ikinatalo sa huling laro, 89-87.

Bigo ang Stags na sakyan ang momentum ng magandang panalo nang kakitaan ng mahinang panimula tungo sa 71-67 pagkatalo sa Lyceum Pirates sa ikalawang laro.

Tumayong bida para sa Pirates ay ang kanilang import na si Jean Victor Nguidjol na may impresibong 15 puntos, 17 rebounds at 4 blocks.

Ang huling block ay naitala laban kay Ryan Costelo sa puntong lamang lang ang Pirates ng dalawa, 69-67, upang magkasalo ngayon ang dalawang koponan sa 3-7 baraha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending