Yen Santos first time magsuot ng two-piece bikini sa TV: Nahihiya nga ako sa katawan ko!
INAMIN ni Yen Santos na nagulat siya sa pagtanggap sa loveteam nila ni Albert Martinez ng mga nakapanood na sa pilot week ng seryeng All Of Me na mapapanood na sa Kapamilya Gold simula sa Lunes, Agosto 31. Kasama rin dito si JM de Guzman bilang batang Albert.
“Nagulat po ako kasi baka magmukhang pilit, pati ang production, kasi nga ‘yung edad (namin), pero nang marinig namin ang mga reaksyon ng tao (lalo na sa intimate scenes), natuwa naman sila kaya nagbunga naman ng maganda ang pinaghirapan namin,” ang masayang sabi ng aktres pagkatapos ng advanced screening ng All Of Me.
Edad 22 si Yen at 54 naman si Albert kaya 32 years ang agwat ng edad ng dalawa, pero masayang-masaya naman daw ang aktres dahil ito ang pinaka-lead role niya.
“Oo nga po, akala ko pelikula ito, kaya nabanggit ko kanina, ‘enjoy the movie’. Ha-hahaha! Teleserye pala. Hindi ako makapaniwalang mapanood ko ang sarili ko sa big screen,” tumatawang sabi ng dalaga.
Gagampanan ni Yen ang karakter ni Lena na probinsiyana, inosente, immature at nagkagusto sa lalaking mas matanda sa kanya na si Manuel (Albert). As in siya pa talaga ang kumukulit sa lalaki para iparamdam dito ang feelings niya.
“Ganu’n po talaga ako, in real life, makulit ako, at kung may gusto ako at kung may gusto rin sa akin, talagang tinatanong ko kung may gusto siya. Ganyan ako nu’ng high school, pero ngayon po, hindi na,” kuwento sa amin ni Yen Santos.
Hindi ba nailang si Yen sa intimate scenes nila ni Albert lalo na sa love scenes dahil nga honeymoon nila ang eksena? “Hindi na po, kasi na-overcome ko na sa workshop palang. Pero nu’ng una kong makita si tito Albert, talagang nanginginig ang kamay ko, sobrang lamig, hindi dahil mas matanda siya sa akin kundi kailangang masabayan ko ‘yung acting niya.
“Alam ko sa sarili ko na magaling siya, so pagdating sa taping, talagang (handa) ako kasi ayoko namang mag-take-2 or take 3, so parang dito (workshop), alisin na natin ‘yung wall para pagdating ng taping, wala ng problema,” paliwanag nito.
Bagama’t hindi si Albert ang first screen kiss niya dahil nauna na sina Paulo Avelino sa Ikaw Ang Pag-ibig at Dream Dad, pero itong sa All Of Me nga raw ang pinaka-daring.
“Kanina nga po nang pinapanood ko, nahihiya ako sa katawan ko (nagsuot ng two-piece) kasi kinikilig ako, first time ko magsuot ng two-piece sa buong buhay ko, kasi hindi naman ako naggaganu’n,” anang dalaga.
Diretsong tanong namin kay Yen kung may posibilidad na magkagusto siya sa may edad sa kanya o kay Albert mismo since single naman na siya, “After po ng nangyari (intimate scenes), ngayon,puwede po.
Saka kung ganu’n naman kay Tito A, ay grabe, sobrang bait na tao, napakapropesyonal, napaka-down to earth kaya siguro hindi naging mahirap din na katrabaho niya, kasi sa tulong din po niya na hinayaan niya akong makilala ko siya. Sa guwapo niya, hindi lang ako ang may crush, pati nanay ko. Ha-hahaha!” pag-amin ni Yen.
Isa pang tanong namin sa dalaga kung ang pagkakaroon niya ng crush kay Albert ay posibleng made-develop sa love, “Siguro nasa paghanga lang po muna tayo. Saka naging close po kami ni tito Albert,” tumatawang sabi ni Yen.
Dagdag pa sa pagyakap-yakap niya sa aktor, “Parang ako lang yata ang may malisya, parang siya (dedma) wala lang.”
Paano kung magkamalisya na rin si Albert sa kanya, “Hala, hindi ko po alam ang isasagot ko. Pero sa ngayon po, hanggang crush lang talaga, irespeto po natin siya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.