Chito sa pagkawala ng unang baby nila ni Neri: Napakasakit, sobrang hirap ng pinagdaanan namin!
MISMONG si Chito Miranda na ang nagbalita sa mga tagasuporta nila ng asawang si Neri Naig na totoong nalaglag ang una sana nilang baby.
Sa Instagram account ng Parokya ni Edgar kanina, sinabi nitong hindi nila agad ipinaalam sa madlang pipol ang tungkol sa pagkawala ng kanilang first baby dahil matindi raw ang sakit na idinulot nito sa kanilang mag-asawa.
“It is true that we lost our baby a few months ago. “Pinili lang namin na wag na lang pag-usapan publicly kasi it was something that we’d rather deal with privately kasi sobrang sakit para sa amin at sobrang hirap ng pinagdaanan namin lalo na para kay Neri,” ani Chito.
Pero ayon sa bokalista ng Parokya nananatili pa ring matatag ang relasyon nilang mag-asawa sa kabila ng mga nangyari. Narito ang iba pang IG post ni Chito, “But inspite of everything, Neri chose to remain positve, fighting through her depression.
That’s how strong my wife is. “Being strong doesn’t mean that one has the ability to feel no pain. Being strong means being able to fight through pain no matter how difficult things get.
“I love you Ms.Neri!” Ikinasal sina Chito at Neri noong Dec. 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.