2 alaga ni Sarah sa Voice Kids umuwing luhaan
SIGURADONG disappointed at malungkot ngayon si Sarah Geronimo matapos matsugi ang dalawa niyang alaga sa semi-finals ng The Voice Kids Season 2 noong weekend.
Hindi pinalad na makapasok sa magic 4 ang Team Sarah finalists na sina Zephanie Dimaranan at Kyle Echarri, na kumanta ng “Flashlight” at “Got to Believe In Magic,” respectively. Sila ang nakakuha ng pinakamababang text votes sa semi-finals: nakakuha ng 9.4% si Zephanie habang 6.43% naman si Kyle.
Ang apat na masuswerteng bagets na maglalaban-laban sa grand finals this coming weekend ay sina Reynan Dal-Anay at Esang De Torres para sa Team FamiLEA ni coach Lea Salonga, at sina Ehla Nympha at Sassa Dagdag para sa Kamp Kawayan ni coach Bamboo.
Ang alaga ni Lea na si Reynan ang nakakuha ng highest percentage ng text votes with 32.98%, sumunod si Esang with 19.24%. Nakakuha naman si Ehla ng Team Bamboo ng 18.23% habang si Sassa naman ay may 13.71%.
Pagkatapos ng showdown at announcement ng magic 4 last Sunday, agad nag-tweet si Lea at nakiusap sa mga Popsters na magpadala ng mga “uplifting messages” sa Pop Princess.
Ani Lea, “Dear Popsters, please send @JustSarahG messages of love and support. I’m sure she’ll appreciate it. Thank you.”
Ayon naman sa host ng reality talent show ng ABS-CBN na si Luis Manzano, totoong nalungkot si Sarah sa naging resulta ng botohan noong weekend pero siniguro ng TV host-actor na okay naman daw si Sarah, “Yup, she is fine and the kids left smiling and laughing!”
Sa season 1 ng The Voice Kids, ang alaga ni Sarah na si Lyca Gairanod ang itinanghal na grand champion habang si Darren Espanto naman ang runner-up.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.