Grace Poe, iba pang ka-pamilya, mga kaibigan ginunita ang ika-76 kaarawan ni FPJ | Bandera

Grace Poe, iba pang ka-pamilya, mga kaibigan ginunita ang ika-76 kaarawan ni FPJ

- August 20, 2015 - 01:11 PM

FPJ-Commemoration
GINUNITA ni Sen. Grace Poe at ng kanyang pamilya, kasama ang kanyang mga kaibigan at mga tagasuporta ang ika-76 na kaarawan ng yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery kaninang umaga.

Isang misa ang idinaos at sinundan ng isang maiksing programa kung saan nagsalita sina Poe at dating pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada kaugnay naman ng mga naging kontribusyon ng dating aktor.

Sa kanyang talumpati, binanggit ni Poe ang mga payo sa kanya ng kanyang tatay.
“Alam nyo, noong ako’y bata pa, tinuturuan niya ako kung papaano mabuhay. Papaano maging isang mabuting anak, papaano maging isang mabuting tao. Ang palaging sinasabi ng tatay ko sa akin, palaging dapat meron kang layunin na higit sa iyong sarili,” sabi ni Poe.
Idinagdag niya na tinuturuan siya ng kanyang tatay na magkaroon ng pagpapahalaga sa ibang tao, manatili nakaapak sa lupa at maging matapat sa paglilingkod sa mga Pinoy.
“Ang mga natutunan ko sa kanya, sinsero kumalinga sa kapwa at tumulong, huwag magyabang at maging magpakumbaba, maging tapat sa mga ginagawa mo kahit ano pa man yan, at higit sa lahat sabi ko nga tumulong sa kapwa,” ayon pa kay Poe.
Samantala, pinasalamatan ni Estrada si FPJ sa pagsuporta sa kanya nang tumakbo siya sa halalan.
“Alam nyo si FPJ hindi lang mabuting kaibigan. Ibang klase siyang tumulong sa kanyang kaibigan hanggang sa kahuli-hulihan. Tumakbo akong mayor ng San Juan, kasama ko siya mag-house to house. Noong tumakbo akong senador, (kasama ko siya) sa buong Pilipinas. Tumakbo akong vice president at noong tumakbo akong pangulo, hindi na siya humiwalay sa akin,” sabi ni Estrada.
Idinagdag ni Estrada na habambuhay siyang tatanaw ng utang na loob kay FPJ.
“Kaya mabubuhay at mamamatay si Erap, hindi niya makakabayad ng utang na loob kay FPJ,” aniya.
Naroon din ang aktres at biyuda ni FPJ na si Susan Roces, gayundin ang asawa ni Poe na si Neil at anak na si Brian.
Dumalo rin sina dating Commission on Elections commissioner Sixto Brillantes at dating congressman Roilo Golez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending