2 miyembro ng Coast Guard nakatakas sa Abu Sayyaf
DALAWANG miyembro ng Philippine Coast Guard na dinukot ng Abu Sayyaf may dalawang buwan na ang nakararaan ang nakatakas Huwebes matapos ang bakbakan sa pagitan ng bandidong grupo at militar sa Indanan, Sulu.
Natagpuan ng mga sundalo ang mga PCG members na si SN2 Gringo Villaruz in Brgy. Buanza alas 7 ng umaga habang si SN1 Rod Pagaling ang nakita alas-8:30 ng umaga, ayon kay Captain Antonio Bulao, public affairs officer ng Armed Forces’ Joint Task Group-Sulu.
“Villaruz was able to escape from his captors at the height of firefight,” pahayag ni Bulao.
Dinala sina Villaruz at Pagaling sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Trauma Hospital sa Jolo para matingnan ang kanilang kondisyon bagamat hindi naman sila sugatan.
Nakatakas ang dalawa habang nagbabakbakan ang tropa ng pamahalaan at bandidong grupo sa sa pangunguna ng sub-commander na sina Yasser Igasan at Alhabsy Misaya sa Brgy. Buanza.
Una nang sinalakay ng mga miyembro ng Scout Rangers ang kuta ng mga bandido sa barangay Buanza alas 5:25 ng hapon noong Miyerkules at tumagal hanggang alas-7 ng gabi, para i-rescue ang mga kinidnap.
Sinasabing may 15 miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay sa bakbakan, bagamat limang bangkay lamang ang narekober ng militar.
Dinukot sina Villaruz at Pagaling kasama ang barangay chairman na si Rodolfo Buligao sa Dapitan City, Zamboanga del Norte, noong May0 4.
Si Buligao ay pingutan ng ulo matapos pumalpak ang negosasyon hinggil sa ransom demang ng mga bandido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.