Pwet ni JAKE nakakasawa na; ALJUR mapagbigay sa mga bading | Bandera

Pwet ni JAKE nakakasawa na; ALJUR mapagbigay sa mga bading

- September 17, 2012 - 06:20 PM

THIS year daw is super tame ang Bench fashion show compared to the past years kung saan halos maghubad na ang mga male and female models.

Meron pa nga in some years na idinaan sa blackout ang pagnu-nude ng ilang male models.

Pero ngayong taong ito, though two nights silang rumampa sa Mall Of Asia, ilan lang daw ang nagpakitang-gilas.

Marami raw sa kanila, especially the male actor/models, ay balot na balot kaya manipis ang hiyawan.

Yung iba naman ay halatang pinaboran ng organizers by some funfare pag sila na ang lumalabas sa entablado – especially men like Dingdong Dantes, Richard Gomez and Coco Martin. Very much-applauded pa rin daw si Goma kahit oldie na, kumbaga, being their original endorser, respeto na lang sa kanya.

Si Dingdong naman, talagang bigay-todo ang Bench guys dahil kada movement niya sa stage ay todo-siklab ng mga ilaw – dagundong na mga sounds para may cadence sa kanyang choreography. Pero obvious na member na rin si Dingdong ng Bilbiling Pilipinas dahil hindi na ganoon ka-delicious ang kanyang katawan. May bulto nga pero may bilbil na.

Si Coco Martin ang pinaka-pinalakpakan sa lahat though hindi naman maganda ang comments ng marami dahil disappointed daw sila sa pagpapaka-wholesome masyado ni Coco considering na siya ang pinaka-daring of them all when he wasn’t yet with ABS-CBN.

Kung ilang beses nang nag-frontal nudity si Coco when he was still the Indie King – pero ngayon, ay sleeveless na shirt lang daw ang suot with matching something pa sa mga braso and nakapantalon. Wala raw itong flesh exposure.

“Sana hindi na lang siya rumampa – sana nanood na lang siya sa VIP seat ng venue at in-acknowledge na lang nila for his presence.

Wala naman siyang ginawa, eh. Inaasahan pa naman naming kahit mag-topless lang siya o di kaya’y naka-shorts man lang. Kaso wala eh.

Masyado nilang ginawang matinee idol si Coco. Kaya hayun, ang mga baklush, walang masilip sa dating hubadero,” anang isang ka-Facebook namin.

Let’s give it to Coco na lang kasi nga he is groomed as a matinee idol and teleserye king.

Wholesome na kasi ang packaging niya.

And I would tell them that in fairness kay Coco, he is very lovable sa totoong buhay. Natuwa ako sobra sa batang ito dahil kabaligtaran siya nang unang pagkakilala ko sa kanya before.

Nu’ng bago pa lang siya, during our Startalk days, may pagkasuplado ang dating nito.

Siguro defense mechanism niya lang iyon that time dahil may kaliitan siya at merong problema sa speech.

Maluwag siya sa “S” sound kasi. Ha-hahaha! Pero bihira tayong makakatunghay ng isang artista na kung kailan sumikat ay sumobra ang bait and that’s Coco.

For me, he is the male epitome of humility in this business. Napaka-sweet.

“Wala naman sa amin kung sweet siya o hindi. Ang point lang namin ay Bench fashion show iyon and they promote kaseksihan.

Kaya raw hindi makapagpa-sexy si Coco dahil maitim ang kuyukot nito.

Na mataba siya at kung anu-ano pa. Hindi raw maganda ang skin kaya natatakot na mapulaan,” anang isang bayolenteng bading sa FB account niya.

Ayokong makipag-argue – wala akong panalo pag nakipag-away ako sa ka-FB naming iyon.

Pero yung conclusion niya na kaya hindi raw nakuhang magpa-sexy ni Coco sa dalawang gabi ng pagtatanghal na iyon dahil kesyo maitim ang kuyukot at hindi makinis ang balat – hay – wala na akong masabi.

Quiet na lang ako at baka umabot lang kami sa korte pag inaway ko siya for Coco. Basta love ko si Coco. Tapos.

Ang nagnakaw ng eksena sa second night ay ang pinakamamahal kong papa na si Aljur Abrenica.

Nung unang gabi pa lang ay talagang grabe ang papuri ng mga critics kay Papa Aljur dahil nakita nila ang sobrang ganda ng katawan nito na naka-topless sa stage.

V na V ang korte ng katawan ni Papa Aljur – bunga na rin ng regular workouts niya.

Pero lalong dumagundong ang buong arena sa second night ng fashion event nang biglang binuksan daw ni Papa Aljur ang kanyang maong pants at walang kiyemeng ibinaba ang kanyang pantalo hanggang sa tuhod at hinayaang bumuyangyang ang kanyang kakisigan in his striped dark boxer briefs.

Mga 12 seconds din daw niyang hinayaang nakababa ang pants niya bago niya ito itinaas.

Takbuhan daw ang mga bakla at maraming photographers to catch that sight.

Kumbaga, very unlikely raw sa dati nang mahiyaing si Papa Aljur.

“Regalo ko lang iyon sa audience dahil the past years naman ay super-tamed din ako.

I just felt on the spot na maging playful, tutal lalaki naman ako at tsaka sexy fashion show iyon kaya nakatuwaan kong ibaba ang pants ko. Wala lang, just for fun.

Tutal, hindi naman nila mahahawakan,” ang biro ni Papa Aljur nang tawagan ko siya to congratulate him sa magandang feedback sa kanyang pagrampa.

Grabe raw ang palakpakan kay Papa Aljur when he did that.

Naloka sina tito Alfie Lorenzo and kafatid na Lito “Yanggaw” Alejandria na nakapuwesto sa harap ng entablado.

Tumakbo talaga si Lito sa harap ni Papa Aljur para kuhanan ng video ang kanyang paghuhubad.

I saw the video at talagang daring ang papa ko. Sexy talaga niya. Of all the men, siya ang kinagiliwan ng mga mahilig sa flesh. Ha-hahaha!

“Kahit maghubad pa si Jake Cuenca, parang wala na rin siyang appeal dahil wala namang bago sa ginawa niya.

Yung pag-T-Back niya ay ordinaryo na niyang ginagawa kaya parang may sawa factor na rin.

“Unlike yung kay Aljur na minsan lang niya ginawa at hindi mo alam kung kailan niya gagawin ulit.

That makes the big difference – yung sanay na sa ganoon at yung taong matatakam ka.

Kaya love na namin lalo si Aljur dahil hindi siya nagdamot!” sabi ng isang nag-text sa amin.

Naku, baka magalit sa kanya si Pedro Calungsod dahil balita ko, he is doing the saint’s role in a TV show or movie ba iyon?

Hindi naman siguro siya maaapektuhan dahil yung pagbaba niya ng pantalon ay ginawa lang naman niya sa isang fashion show na alam naman ng lahat na may pagka-sexy ang tema.

Hindi naman niya ginawa ito sa taping or shooting ng “Pedro Calungsod”, di ba? Ibang usapan iyon pag ginawa niya sa taping or shooting.

“Hindi naman siguro. If I will do the Pedro Calungsod project, that would be a different storyline.

Artista lang naman ako and hindi naman ako forever wholesome.

As an actor, dapat flexible ka with different characters na ipagagawa sa iyo ng producers and directors mo,” simpleng reaksiyon ni Papa Aljur.

In fairness kay Papa Aljur, nakapagbigay-saya siya sa audience ng Bench show na iyon. Imagine, talagang maglalaway ka pag nandoon ka.

Mabuti na lang at wala ako roon dahil baka isa ako sa tumakbo sa harap masilipan lang siya. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinong maysabing anak-anakan ko lang si Papa Aljur, yes, maybe pero alam naman ninyong lahat na may malisya ako sa kanya, ‘no! Bakla yata ako at crush ko siya. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending