Hindi malakas ang pagtutol | Bandera

Hindi malakas ang pagtutol

Ramon Tulfo - August 20, 2015 - 03:00 AM

PARANG hindi malakas ang pagtutol ng publiko sa pansamantalang pagpapalaya kay Sen. Juan Ponce Enrile ng Supreme Court.

Si Enrile, na kinasuhan ng plunder, ay pinayagan na makapag-piyansa.

Ang plunder, na ikinaso rin kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla, ay isang non-bailable offense.

Bakit di malakas ang pagtutol ng publiko sa pagpapalaya kay Enrile?

Dahil bukod sa kanyang edad na 91, si Enrile, bilang defense minister, ay isa sa naging susi sa pagpapatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos.

Kasama ni Enrile ang noo’y si Lt. Gen. Fidel V. Ramos, Philippine Constabulary chief at deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, sa pagpapatalsik kay Marcos.

Hindi nakakalimutan ng mamamayang Pilipino ang kanilang utang na loob kay Enrile at maging kay Ramos dahil sa Edsa I.

(Di ba, dahil sa utang na loob ay ibinoto si Ramos bilang Pangulo matapos ang termino ni Pangulong Cory?)

Kung walang Edsa I, na nagsimula dahil sa pagtitiwalag nina Enrile at Ramos sa diktadura, hanggang ngayon siguro ay nasa ilalim pa rin tayo ng military rule.

Ito marahil ang dahilan kung bakit ang mga mahistrado ng Mataas na Hukuman ay bumoto na payagan si Enrile na makapag-bail.
qqq

Baka nabago ang takbo ng kasaysayan ng Edsa I kung sina Enrile at Ramos ay nagdesisyon na magtatag ng junta hanggang magkaroon ng panibagong eleksiyon, o isa sa kanila ay sinunggaban ang kapangyarihan at pinatakbo ang bansa.

Matatandaan na si Enrile at Ramos ay nagsagawa ng civilian-backed coup d’etat at walang nagawa sana si Cory Aquino kung hindi siya pinaupo.

Pero hindi sugapa sa kapangyarihan sina Enrile at Ramos at ipinatawag nila si Cory na nagtatago sa Cebu.

The rest is history.

Kung ano man ang kahihinatnan ng kasong plunder laban kay Enrile, history will still treat him kindly.

Ang pagbibista kay retired Army Maj. Gen. Jovito Palparan sa kasong kidnapping at serious illegal detention ay parang wala nang katapusan.

Kasama ni Palparan sa kaso sina Col. Felipe Anotado at S/Sgt. Edgardo Osorio.

Bilang journalist na patas ang pagtingin sa kaso, naniniwala ako na walang kinalaman si Palparan sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Sherlyn Gadapan at Karen Empeno.

Hindi nga niya siguro nakita o kilala ang dalawang bata.

Bilang Army division commander, marami siyang iniisip at binibigyan ng solusyon na problema na mapapansin pa ang dalawang estudyante.

Si Palparan ay superior nina Anotado at Osorio na direktamenteng kinokonekta sa pagkawala ng dalawang estudyante ng UP, na suspected members ng NPA.
Ang koneksiyon ni Palparan sa kaso ay command responsibility.

Kung command responsibility ang connection ni Palparan sa kaso, dapat ay kinasuhan na rin si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kanilang commander-in-chief.

Mga giliw kong readers, bakit sa tingin ninyo ay i- nilipat si Palparan at dalawang akusado sa detention cell sa Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio galing ng Bulacan provincial jail?

Dahil nag-aalburuto na ang mga opisyal at sundalo ng Philippine Army sa pagkakakulong ni Palparan.

Kung ipinagpatuloy ang pagkakakulong ni Palparan sa Bulacan provincial jail, baka may mangyaring pag-aaklas ng maraming miyembro ng Army.

Demoralisado ang lahat ng miyembro ng Army dahil sa pagsasampa ng kasong kriminal kay Palparan na i- tinuturing nilang walang kasalanan.

Para sa kanila, si Palparan ay nakikipaglaban lamang sa New People’s Army (NPA).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa giyera, nadadamay ang mga sibilyan na gaya nina Gadapan at Empeno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending