‘Nakakasawa na ang Showtime; Eat Bulaga triple ang itinaas ng rating
I HAVE always admitted na since birth (since birth daw, ow!) ay Eat Bulaga baby na talaga ako and everyone knows that, yan ay kahit 15 years na akong nagwu-work sa ABS-CBN.
Halos lahat ng shows ng ABS-CBN ay gusto ko actually for simple reasons that they are just so good with their production lalo na sa content and casting.
Bongga kasi ang think-tank ng Dos kaya milya-milya talaga ang agwat nito sa GMA 7 as far as rating is concerned. Pero pag noontime naman ang pag-uusapan, Eat Bulaga talaga ako dahil in fairness, they have maintained the Pinoy touch in TV viewing sa tanghali.
Very wholesome and very entertaining. Nakailang palit na ba ang ABS-CBN ng noontime show? Marami-rami na rin, di ba? Pero ang GMA, since nagsimula ang Eat Bulaga with them, it stayed to this very moment at hindi pa rin matibag-tibag.
Kasi nga, blocktimer ito – ang TAPE, Inc., nina Mr. Tony Tuviera and Tita Malou Choa-Fagar ang namamahala sa programa, who have mastered noontime production.
Kumbaga, ang Eat Bulaga ay merong sariling think-tank na hindi naman kayang tapatan ng mga taga-Dos. That remains a challenge sa mother network ko.
Lalo na lately when this AlDub thing came about. It’s the tandem ng dalawang breakthrough stars nila – ang matinee idol ng GMA 7 na si Alden Richards and newbie na si Yaya Dub na featured sa isang segment nila with Wally Bayola, Paolo Ballesteros and Jose Manalo in it.
Grabe ang phenomenon ng segment na ito sa noontime TV viewing – balita ko, no offense meant to It’s Showtime ha, umabot ito sa 39% sa ratings against ours at 9% daw, true ba iyon? Meaning, sina Alden at Yaya Dub lang ang nakapatumba sa kasikatan nina Anne Curtis, Vhong Navarro and Vice Ganda sa show? Kakakaloka iyan ha – that’s very alarming.
“Kasi nga, nakakasawa na ang style ng pagpapatawa nina Vice Ganda sa show. Puro yabang ang dating. Walang bago. Mga kakornihan, ‘yung sila-sila lang ang nag-i-enjoy.
Nakuntento na sila nang ganoong siste lang. Dapat sa kanila ay mag-reinvent or else, matutulog talaga sila sa kangkungan.
Nakatsamba ang Eat Bulaga ng ganitong segment – something na nakuha ang pulso ng masa. Grabe ang paglamon ng AlDub segment na ito ng buong show ng It’s Showtime.
Delikado talaga sila rito. Hindi na kasi masarap panoorin sina Vice Ganda and the rest of his group. Kumbaga sa ulam, nakakasawa na,” anang isang analyst/friend namin.
Well, I don’t really know kung paano nangyari ito. Minsan ay sinilip ko ang AlDub segment sa isang link sa FB, I found it very simple at hindi naman ako gaanong na-excite though Eat Bulaga baby ako, ha.
Pero wala eh, I cannot argue or debate with the whole Filipino audience kasi mukhang na-in love sila sa portion na ito. Kaya deadma na lang ako – it’s not that bad at all pero hindi ako masyadong impressed.
But how do you argue with success, di ba naman? Baka nga nagsawa na sila sa mga paulit-ulit na jokes nina Vice, kahit sino ay mauumay naman talaga.
Kaya ako nga, di na ako nanonood ng It’s Showtime dahil pare-pareho lang everyday. Kaya dapat ay mangamba talaga ang noontime show ng mother network ko dahil baka one day magising na lang tayong nalamon na nang buong-buo ng Eat Bulaga. Sila rin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.