Enrique ninakawan ng halik si Liza sa ASAP 20; LizQuen fans ‘Nagwala’ | Bandera

Enrique ninakawan ng halik si Liza sa ASAP 20; LizQuen fans ‘Nagwala’

Ervin Santiago - August 18, 2015 - 02:00 AM

liza soberano

BIGLANG naging wild ang audience ng ASAP 20 sa loob ng ABS-CBN studio dahil kina Enrique Gil at Liza Soberano.

Hindi na napigilan ng fans nina Liza at Enrique ang kanilang emosyon dahil sa sobrang kilig sa Kapamilya loveteam lalo na nang halikan na ng binata si Liza on stage.

Bahagi kasi ‘yun ng ginawa nilang reenactment sa ilang nakakalilig na eksena mula sa classic fairy tale na Cinderella.

Sa nasabing production number, supposedly ay gigisi- ngin ni Enrique bilang si Prince Charming si Liza as Cinderella, sa pamamagitan ng paghalik sa babaeng nasa salamin, matapos nga itong mawalan ng malay dahil sa pagkagat sa mansanas na bigay ng isang witch.

Pero habang nag-uusap sina Enrique at si Alora, ang babaeng nasa salamin, aksidenteng nasagi ng binata ang “natutulog” na si Liza na napasigaw pa ng “Aray!”

Agad-agad na nag-sorry si Enrique sa dalaga sabay halik dito. Kaya naman sigawan ang audience sa studio. Feeling nila, wala naman daw sa script na hahalikan niya on live TV si Liza pero naka-score nga raw sa eksenang ‘yun ang hunk actor.

Mas lalo pang tumindi ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob ng ASAP studio nang halikan uli ni Enrique si Liza sa ending ng kanilang production number.

In fairness, ilang minuto lang ang lumipas ay nag-tren- ding agad ang nasabing eksena at mabilis ding kumalat sa social media ang video ng “kissing scene” ng tambalang LizQuen.

Samantala, busy na rin ngayon ang dalawang bagets sa shooting ng follow-up movie nila kung saan makakasama nila si Gerald Anderson.

Dahil nga sa mega success ng kanilang launching movie na “Just The Way You Are” ay agad silang binigyan ng Star Cinema na bagong pelikula.

Kaya naman mukhang matatagalan pa bago sila magkaroon uli ng teleserye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending