Dina Bonnevie kay Bossing: Siguro dati, umaasa pa siyang magbabalikan kami! | Bandera

Dina Bonnevie kay Bossing: Siguro dati, umaasa pa siyang magbabalikan kami!

Ervin Santiago |August 17,2015
facebook
share this

Dina Bonnevie kay Bossing: Siguro dati, umaasa pa siyang magbabalikan kami!

Ervin Santiago - August 17, 2015 - 02:00 AM

vic sotto

Gusto nang burahin ni Dina Bonnevie ang mala-bangungot na bahagi ng kanyang buhay sa piling ng isang lalaking pinakasalan niya noon.

Ayon sa aktres, sukdulan ang dinanas niyang hirap at pasakit sa kamay ng isa niyang ex-husband.
“Doon ko naranasan yung talagang grabe, nilapastangan ako, binugbog, lahat.

Naranasan kong maapi pero ayoko nang maalala yun, mabugbog, masapak, magulpi. And he even took my money. But I don’t want to remember that chapter of my life anymore,” ang sey ni Ms. D sa isang panayam.

Pero aniya, nagtagumpay naman siya sa pag-move on mula sa madilim na bahagi ng buhay niyang iyon at masaya na raw siya ngayon sa kanyang buhay.

Nagpapasalamat din siya sa GMA dahil binigyan uli siya ng magandang serye nga- yon kung saan kasama pa niya ang isa sa kanyang favorite leading man na si Christopher de Leon, ang Beautiful Strangers.

Samantala, natanong naman si Dina kung ano ang reaksiyon niya sa relasyon ngayon ng dati niyang asawang si Vic Sotto sa dyowa nitong si Pauleen Luna, “Sana lang, Vic would find someone who will truly love him kahit na may sakit na siya, kahit na tumanda na siya.

“Kasi now, it’s easy to say na okey, pero I’d like to see. Paano kapag matanda ka na and you can’t perform anymore. Darating din yun sa buhay mo, I mean, he’s 60 plus, darating din yun when you’re 70, 70 plus,” dagdag ni Dina.

Sa tingin ba niya, dapat pang magpakasal uli si Bossing? “Well, sa akin, if he finds someone that he would marry and grow old with, go.”

Mula nang maghiwalay sila ni Vic, marami na rin itong naging karelasyon, pero wala siyang pinakasalan. Pero very open ngayon si Bossing sa pagsasabing pinag-uusapan na rin nila nila ni Poleng ang lumagay sa tahimik.

“Siguro ngayon lang siya nagpaplano dahil palagi ko rin naman sinasabi na nag-move on na ako. Siguro before, umaasa pa siya na magkakabalikan pa kami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

But now, I always say that I’ve moved on kaya siguro nagpaplano na rin siyang mag-asawa,” komento ng aktres. Anyway, takang-taka naman si Ms. D kung bakit pati ang pagkikita nila ni Pauleen ay naging isyu rin, “Sabi ko nga, bakit ba napaka-big deal na nagpakilala siya sa akin? Ang sa akin, if I were Pauleen na nakita ko yung wife na talagang nirerespeto ng buong barangay, na may hawak ng korona, I would also say ‘Hi.’

“Kasi, eventually, you’ll have to deal with my children. Sa akin, it was a very bold gesture na lumapit siya. Lalo na alam ng mga tao na, naku, mataray si Ms. D. Pero sa akin, very bold na lumapit siya, maayos naman and I commend her for that.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending