Duterte: Kamatayan para sa sangkot sa plunder
ISINULONG ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan para sa mga sangkot sa plunder.
“Death penalty must be considered for plunder,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na ang korupsyon ang sanhi ng kahirapan sa bansa.
“Drastic measures must be done. Laws must be amended to make it easier to prosecute the corrupt,” ayon pa kay Duterte.
Aniya, maaari sanang nagamit ang perang naibulsa ng mga tiwaling opisyal sa mga programa para mahihirap.
“I make sure that every centavo was spent to where they should be spent– public good,” ayon pa kay Deterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.