NITONG mga nakaraang araw, natunghayan natin kung paano magsagutan ang mga tagapagsalita ni Pangulong Aquino at Vice President Jejomar Binay kung saan dinaig pa nila ang mga bading sa kanilang pagsasalita.
Nag-iisip pa kaya sina Presidential Spokesperson Edwin Lacierda at tagapagsalita ni Binay na si Joey Salgado sa kanilang beki talk?
Baka mismong ang mga gay ay hindi kinaya ang ginagawang pagpapalitan ng mga salita nina Lacierda at Salgado.
Inumpisahan ito ni Lacierda matapos namang tawaging “charot” ang ginawang True State of the Nation Address (TSONA) ni Binay kung kinontra ng bise presidente ang naging SONA ni PNoy.
Hindi naman nagpahuli si Salgado kay Lacierda at binanatan naman niya ng salitang,”Imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu,“ si Lacierda o sa chaka naman ang isinagot ni Salgado sa patapang charot ng tagapagsalita ni PNoy.
Kahit isang ordinaryong mamamayan ay mahihiya sa mga mababang paraan ng pagsagot ni Lacierda at Salgado.
Baka kasi kapwa nakakalimutan pareho nina Lacierda at Salgado na presidente at bise presidente ang kanilang kinakatawan at hindi lamang na nag-aaway na tambay sa kanto.
Ang mga ordinaryong Pinoy ang nahihiya sa mga pinaggagawa ng dalawang opisyal na ito.
Alam kaya nina PNoy at Binay na napakababa na ng paraan ng pagpapatama ng kani-kanilang mga tagapagsalita?
Napakababa na ba ng ating pulitika sa bansa at umabot na ang ka-cheapan ng pag-uusap sa lebel ng presidente at bise presidente.
Wala kasing pinag-iba dapat ang lebel ng Malacañang sa White House ng US kung saan ang sinasabi ng mga tagapagsalita ay sumasalamin mismo sa mga pinuno ng bansa.
Tiyak kong walang sino mang presidente at bise presidente na magpalitan ng kritisismo sa pagsagot ng charot at chaka.
Di kaya naisip nina Lacierda at Salgado na daig pa nila ang mga palengkera sa kanto sa klase ng kanilang mga pahayag.
Walang itinuturo na mabuti sa mga kabataan.
Hindi na baleng magsagutan at magbatuhan ng mga pahayag sina Laciera at Salgado ng araw-araw bastat gawin na lamang itong na naayon sa kanilang mga kinakatawan.
Kina Lacierda at Salgado, hiyang-hiya naman pati mga beki sa inyo.
Hihiram lang kayo ng mga salita nila, para magsagutan, gagamitin nyo pa para maging kahiya-hiya ang mga posisyon na inyong nirerepresenta.
Minsan kasi nagpapakita ito na dahil wala lang masabi at para lang masabing nagtatrabaho sina Lacierda at Salgado, kahit gay talk ay pinatulan na nila.
Wala itong kaibhan sa mga siga sa kanto na naghahamunan ng suntukan na lang dahil kapwa pikon na.
Hindi na ko magtataka na sa susunod na palitan ng mga pahayag ng dalawang tagapagsalita ay maghamunan na lang ng suntukan.
Tsk. Tsk. Tsk. Yan kaya ang maibabahagi ninyo sa ating mga kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.