Makakapasa na ba sa CPA board exam? (2) | Bandera

Makakapasa na ba sa CPA board exam? (2)

Joseph Greenfield - August 16, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jhona ng San Miguel, Liloy, Zamboanga del Norte
Problema:
1. Grumadweyt po ako ng kursong Accountant at kumuha ako CPA board exam last year 2014, kaya lang ay hindi ako nakapasa. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo
upang itanong kung halimbawang sa susunod na taong 2016 ay muli akong kukuha, makakapasa na kaya ako?
2. At may tsansa rin kaya na makapag-abroad ako, kasi sa ngayon ay nasa Canada ang ate ko at kapag nakapasa raw ako sa board exam ay kukuhanin niya daw ako sa kanilang opisina. May travel line din ba sa aking palad at may chance kaya na ako ay makapag-Canada? October 15, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Jhona ng Zambonga del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing bagay na bagay nga sa iyo ang kursong may kaugnayan sa numero at pagkukuwenta, kung saan, sa kursong nabanggit, tulad nga ng accountant, tiyak na uunlad ka at magtatagumpay sa iyong career.
Numerology:
Ang birth date mong 15 ay nagsasabing kung ang
iyong ate na nasa Canada ay isinilang sa birth date na 9, 18, at 27 o kaya’y 3, 12, 21 o kaya’y 30, tiyak ang magaganap, tutulungan ka nya ng husto upang makarating sa nasabing bansa.
Luscher Color Test:
Upang masigurado ang pagpasa sa CPA board exam sa susunod na taong 2016, sa mismong araw ng pagsusulit magsuot ka ng kulay na red. Sa ganyang paraan, sigurado ang magaganap, walang duda, makakapasa ka na.
Graphology:
Okey na ang iyong lagda, lakihan mo na lang ang mga letra at salita. Sa ganyang lagda, malaki ang letra at salita kusa ng matutupad ang lahat ng iyong mga pangarap.
Huling payo at paalala:
Jhona ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap kung kukuha ka ng pagsusulit sa susunod na taong 2016, upang maging isang ganap na CPA walang duda, makakapasa ka na at magiging ganap na Certified Public Accountant, at makalipas ang isang taong pagpa-practice mo sa ating bansa, sa taong 2017, sa tulong ng iyong ate na nasa ibayong dagat, sa edad mong 28 pataas, makapagka-Canada ka na at sa nasabing bansa, tuloy-tuloy ka ng uunlad at habang buhay na liligaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending