Ryan Rems mas type si Grace kay Binay dahil kay FPJ | Bandera

Ryan Rems mas type si Grace kay Binay dahil kay FPJ

Ervin Santiago - August 15, 2015 - 02:00 AM

ryan rem

Tawa kami nang tawa sa sagot ng It’s Showtime Funny One grand winner na si Ryan Rems nang tanungin kung sino kina Sen. Grace Poe o Vice President Jojo Binay ang susuportahan niya sa 2016 presidential elections.

Ayon sa binata na isa rin palang stand-up comedian, “Ang susuportahan ko baka si Ms. Grace po. Dahil magaling ang erpats niya sa barilan, practical talaga yung mid-section rapid punches kasi doon talaga madi-dismantle ang kalaban.”

Kung bibigyan ka ng chance na tumakbo sa 2016 ano ang gusto mong posisyon? “Ang tatakbuhin ko na lang yung vice president dahil hindi ako masyadong ambisyoso.

Tapos ang plataporma ko lagi kung ano ang iutos ng pangulo don lang ako.” Pero wala raw talaga siyang pangarap na pumasok sa politika, “Actually tingin ko lang sa sarili ko isang simpleng entertainer lang so dapat wala akong political or religious ideas, just an entertainer.”

Samantala, sigurado raw mami-miss ni Ryan ang mga simpleng bagay na ginagawa niya noong hindi pa siya nagso-showbiz, at mula nang manalo siya sa Funny One.

“Medyo nag sink in, nakakagulat lang kasi parang ang bilis ng pangyayari.  “Bago mag-contest bumibili pa ako ng beer diyan, bumibili pa ako ng ulam sa tabi-tabi.

Ako pa ang namamalengke para sa sarili ko.  “Pag ginagawa ko ngayon, pag gusto ko gawin yun parang hindi na yata puwede,” aniya pa sa presscon na ibinigay sa kanya ng It’s Showtime at sa iba pang grand finalists ng Funny One.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending