Lorna ayaw nang mag-asawa, baka dalawin ni Daboy | Bandera

Lorna ayaw nang mag-asawa, baka dalawin ni Daboy

Djan Magbanua, Ervin Santiago |August 02,2015
facebook
share this

Lorna ayaw nang mag-asawa, baka dalawin ni Daboy

Djan Magbanua, Ervin Santiago - August 02, 2015 - 02:00 AM

lorna tolentino

OKEY lang kay Lorna Tolentino na tumandang walang partner sa buhay. Mahigit pitong taon nang walang lovelife si LT mula nang mamatay ang kanyang asawang si Rudy Fernandez.

Ayon sa award-winning actress, handa na siyang maging single for life. Hindi na raw kasi sumasagi sa isip niya na mag-asawa uli.

“I’m 53 years old. Kung mga forty-something, baka puwede pa,” chika ni LT nang makapanayam ng entertainment media sa press launch ng bagong sitcom ng TV5, ang Misterless Misis na magsisimula na sa Aug. 9, Linggo.

Pero may mga nagtatangka pa bang manligaw sa kanya? “Tapos na, tapos na yung mga nagpahaging, wala na. Meron na silang kanya-kanyang pinahaginan na iba! Okey lang na wala na, di ba? Misterless? Yeah! Misterless Misis ang drama!”

Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin daw siya totally nakaka-move on mula sa pagyao ni Daboy noong, June 2008, “Seven years na. Adjusting pa din, minsan meron kang hahanapin, e,” aniya. Hindi naman kaya natatakot lang si LT na multuhin ni Rudy? Ha-hahaha!

Hindi naman daw nalulungkot si Lorna kahit na wala siyang lovelife, bukod sa pag-aalaga sa kanyang apo, siya rin ang nag-aasikaso sa farm nila sa Batangas, “Ngayon ko pa lang ini-enjoy, sabi ko nga, ‘Ay, ang sarap naman pala pag may prutas ka.’”

“Pero ako, sumusuko ako sa farming, kasi pag farmer ka, wala ka namang kita, e. Hindi nga siya pangkabuhayan, e. Nag-try kami ng pangkabuhayan, pero palpak, natalo. Kamatis, talong, pineapple, papaya… lahat yun, talo,” pag-amin ni LT.

Pahinga raw muna siya sa pagdadrama at excited siya sa bagong sitcom nila sa TV5, “Para magaan. After ilang taong drama-drama, wini-wish ko na magka-sitcom ako.”

Sa Misterless Misis, gagampanan ni Lorna ang papel ni Jenny, isang career-oriented woman, single, at jaded na sa pag-ibig.

Makakasama niya rito sina Ruffa Gutierrez, Gelli de Belen, Ritz Azul, Mitch Valdes, at ang newcomer na komedyanang si Andie Gomez. Mapapanood na ito simula sa Aug. 9, every Sunday, 9 p.m..

Very techie raw ang role ni LT sa Misterless Misis, kaya, “Napapatanong ako lagi sa mga anak ko ng ’paano ba ‘yan, ano ba ‘yan? Saan mo nahahanap ‘yan? ‘Yung mga ganu’n.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending