Julie Anne bibirit habang nagpapapayat | Bandera

Julie Anne bibirit habang nagpapapayat

Ervin Santiago |August 02,2015
facebook
share this

Julie Anne bibirit habang nagpapapayat

Ervin Santiago - August 02, 2015 - 02:00 AM

julie anne san jose

PATUTUNAYAN ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose na kaya niya ang kahit anong challenge pagdating sa musika! Ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, panoorin ang pagkanta niya ng Aegis hits habang tumatakbo sa treadmill.

Kilalanin din sa KMJS si Manny, ang may-ari ng isang three-month old na tigre. Habang ang ibang tao ay namamasyal kasama ang kanilang mga alagang aso at pusa, si Manny ay walang takot na iginagala sa labas ang kanyang favorite pet na si Sergio.

Tikman din ang ilan sa pinakamasarap na pancit sa Pilipinas. Kabilang sa listahan ng mga katakam-takam na stir fried noodle dishes ang Pansit Grade 1 ng Sta. Rosa, Laguna, ang pancit recipe ng mga taga-Quezon province na gumagamit buko strips, at ang Pancit Batil Patong ng Tuguegarao na maaari nang matikman ngayon sa iba’t ibang pansitan sa Manila.

Sisilipin din ng KMJS ang buhay ng mga komedyanteng sina Ate Glow, ang famous impersonator ng dating Pangulong GMA; si Ben Tisoy, na nakilala sa kamay niyang katawa-tawa ang galaw; at si Bronzon, ang child comedian na minsan nang nakasama ni Judy Ann Santos sa isang pelikula.

Samantala, na-touch naman ang netizens sa isang viral video ng isang lalaki na binuksan ang kabaong ng kanyang namatay na kasintahan para bigyan ito ng singsing at one last kiss.

Abangan ang lahat ng ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong gabi, pagkatapos ng Ismol Family, sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending