Horoscope, August 02, 2015 | Bandera

Horoscope, August 02, 2015

Madam Sophia |August 02,2015
facebook
share this

Horoscope, August 02, 2015

Madam Sophia - August 02, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magandang kapalaran ang darating kung sasalubungin ang araw na ito ng may ngiti at galak sa iyong puso. Pasalamatan ang mga taong bumati sa iyo, sa ganyang paraan, mas maraming suwerte pa ang kusang darating. Mapalad ang 2, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Green at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Uso ang mga mangungutang ngayon. Panatiliin ang pagiging low profile upang hindi ka mahiraman ng pera ng wala ng bayaran. Sa pag-ibig, panatiin ang mainit na relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 3, 9, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Yellow at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kahit naging magastos ang nagdaang buwan pagpasok ng Agosto simulan na ang magtipid at mag-savings. Sa pag-ibig, maaalala mong bigla ang nakaraang pakikipag-relasyon, dahil naaalala ka rin niya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Blue at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Wag babagal-bagal upang hindi maubusan ng suwerte. Sa pagmamadali mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, ipagkaloob ang hinihingi ng kasuyo, bago pa siya magtampo. Mapalad ang 9, 14, 23, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Narahayana-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi ka dapat tamarin! Habang patuloy na nagsisipag, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, siglahan pang lalo ang pakikipag-relasyon sa isang Scorpio upang hindi ka nya iwanan. Mapalad ang 4, 7, 21, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Siravayana-Om.” Purple at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Marami kang gustong gawin, pero bakit di mo masisimulan? Likas ka kasing tamad. Panahon na upang magpakasipag. Ituloy ang binabalak na negosyo. Sa pag-ibig, isosyo ang kasuyo sa kalakal may kaugnayan pagkain. Mapalad ang 7, 10, 17, 28, 36 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Apyahana-Dosya-Om.” Green at black ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Panahon na upang maglinis ng mga abubot. Ibenta ang mga bagay na hindi na kailangan. Sa ganyang paraan nagkapera ka na umaliwas pa ang inyong kapaligiran. Sa pag-ibig, katulungin ang kasuyo sa paglilinis. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Neh-Pad-Me-Om.” White at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi ka dapat mahirati sa luho at masarap na pamumuhay. Dapat ngayon palang pinaghahandaan mo na ang kapasukuhan. Wag isiping malayo pa ang Pasko, darating at darating iyan ng hindi mo inaasahan at sasabihin mong “Pasko na naman!”. Mapalad ang 6, 18, 27, 37, 45 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Neh-Venit.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Mas madaling umuunlad ang isang Scorpio kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya. Laging i-priority ang family upang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 2, 11, 16, 25, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om-Garuda.” Green at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — I-priority ang kalusugan at ang personal hygiene upang lalo pang humaba ang iyong buhay. Sa pag-ibig, kapag napansin ng kasuyo na nagpapaganda ka, mauuto mo na naman siya. Mapalad ang 1, 8, 10, 29, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yantara-Meh-Om.” Blue at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sino ba ang makikinabang sa mga paghihirap na ginagawa mo sa ngayon? Matutong mag-relaks at paligayahin ang sarili. Yayain ang kasuyo na mamasyal sa bukid doon kayo mag-bonding. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Om.” Red at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Piliin ang mga tapat na kaibigan, sapagkat posibleng may manloko na naman sa iyo at sasamantalahin ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa isang Leo. Sa pag-iibig, isang balingkinitang payat ang matagal na sa iyong in love. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Sutra-Om.” Red at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kahit gipit sa buhay, limitahan ang pangungutang. Matutong maghigpit ng sinturon at huwag mabuhay sa luho. Darating ang araw pagpapalain ka rin ng tadhana at uunlad. Tandaan mong kapag minahal mo ang salapi, mamahalin ka rin nito. Mapalad ang 4, 16, 26, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Pad-Me-Om.” Magenta at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending